Ano ngayon ang naghihintay na kapalaran sa mga host ng Talk TV ngayong wala na ito?
Sa pagkakaalam namin, hindi naman madi-displace ang tatlong host na sina Julius, Tintin at Ryan dahil bibigyan din sila ng kani-kanyang TV shows. Si Tintin ay may apat na offers sa ABS-CBN at kasama na rito ang muli nilang pagsasama ni Julius sa bagong early morning show na ipapalit sa Alas Singko y Medya, ang Magandang Umaga Bayan kung saan sina Julius at Tintin ang magiging main anchors. Inaalok din umano si Tintin na makasama sa ETC ni Boy Abunda kasama ang dalawa pang co-host. Kinu-consider ding isama si Tintin sa The World Tonight nina Tina Monzon-Palma at Angelo Castro.
Of course sa Magandang Umaga Bayan at The World Tonight, isa lang dito ang dapat piliin ni Tintin dahil ang isa ay early morning habang ang isa ay late night naman mapapanood.
Natitiyak din namin na maganda ang magiging chemistry nina Boy Abunda at Tintin sakaling pagsamahin sila sa ETC.
Ang Magandang Umaga Bayan ay magsisimula sa Agosto 5 pero hindi lang namin alam kung ito rin ang simula ng paglipat ng The World Tonight mula sa ANC sa ABS-CBN Channel 2 at ipapalit umano sa Headlines ni Karen Davila na mawawala na rin sa ere.
Samantala, napag-alaman din namin na maraming mga programa ang Dos na magkakaroon ng face-lifting at kasama na rito ang ASAP na ire-reformat na rin.
Pitong taong gulang pa lamang si Direk Boots ay sumasama na siya sa shooting ng kanyang ina at dahil dito, madalas siyang kuning ekstra hanggang sa kanyang pagbibinata. He was still in his teens nang magkainteres siya sa pagdidirek. Dahil dito, nakiusap siya kay Direk Baby Navoa (assistant director noon) na kung maaari siyang mag-observe bagay na hindi naman ipinagkait nang huli.
Sa loob ng labinlimang taon, naging assistant director si Direk Boots ni Direk Baby Navoa hanggang mabigyan siya ng break ng Dove Films para maging full-pledged movie director sa pamamagitan ng pelikulang Pusakal na pinagbibidahan nina Ace Vergel at Kristine Garcia. Mula noon, no turning back para kay Direk Boots sa kanyang pagiging director na kahit walang formal training sa pagdidirek ay naluto naman nang husto ang kanyang kaalaman sa pagdidirek sa pamamagitan ng kanyang pagiging sidekick at AD ni Direk Baby Navoa at iba pang direktor.
Bago ang pagiging wholesome director ni Direk Boots, aminado siya na nakapagdirek din siya noon ng mga bold films at kasama na rito ang Naked Island, Take Home Girls, Sex Object, Naked Paradise at Mga Birhen ng Ermita.
Pero dumating sa punto si Direk Boots na hindi na siya masaya sa kanyang mga dinidirek na pelikula kaya nag-iba siya ng direksyon.
Sa loob ng apat na taon, walang movie assignment si Direk Boots pero sa halip na mabalewala ang apat na taon, sumama siya sa actors work shop para matutunan din niya ang pagmu-motivate sa mga artistang kanyang ididirek.
Taong 1996, nang makuha niya ang tiwala ng Regal Films para idirek ang pelikulang Sana Naman na pinagbidahan ng papalakas nang loveteam noon nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman. Naging box office hit ang pelikula na siya ring naging daan ng pagiging bankable noon ng loveteam nina Juday at Wowie at ang simula ng pagiging junior superstar ng batang aktres. Magmula noon, nasundan pa ito ng pito pang pelikula na pinangungunahan ni Juday at kasama na rito ang Kung Alam Mo Lang, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, Kulayan Natin ang Bukas, Muling Ibalik ang Kahapon, Isusumbong Kita sa Tatay Ko with action king FPJ, ang pinakamalaking hit noong isang taon, ang Bakit Di Totohanin at ang soon-to-be-shown na Pakisabi Na Lang... Mahal Ko Siya na pinagtatambalan nila ni Cogie Domingo at kung saan kasama rin sina KC Montero at Alessandra de Rossi. Although subok na ang kanyang pagiging box office director, mas gusto pa rin ni Direk Boots na tawagin siyang moviegoers director dahil sa moviegoing public niya hinuhugot ang kanyang inspirasyon sa pagdidirek.
Ang mga manonood ang tumatangkilik ng mga pelikula kaya naging ugali ko na konsultahin sila (mga vendors, tricycle drivers at iba pa) kapag may bagong movie akong sisimulan ay isinasama ko ang mga suggestions nila," ani Direk Boots.
Hindi rin ikinakaila ni Direk Boots na nahilig din siya noon sa droga pero itoy kanyang tinalikuran nang siyay magbalik-loob sa Diyos nung 1990 nang sumapi siya sa Oasis of Love, isang catholic community.
"May mga anak ako (na parehong babae). Ayokong sila ang mag-suffer nang dahil lamang sa mga kalokohan ko," aniya.
Bakit hindi sila nagkahiwalay ng kanyang misis na si Dolor Guevarra sa kabila ng kanyang mga kalokohan noon?
Sinabi sa akin ni Dolor na ayaw niyang lumaki ang mga anak namin na walang kikilalaning ama kaya kahit namrublema siya sa akin, hindi niya ako iniwanan, isang bagay na maipagmamalaki ko sa asawa ko," pagbabalik-tanaw ni Direk Boots.