200 stars perform for Claudine

Tulad ng inaasahan, dinumog ng fans, friends, press at kapamilya ni Claudine Barretto ang kanyang birthday special na ginanap sa Folk Arts Theatre noong Biyernes, ang The Journey of My Heart: The Claudine Barretto Birthday Special. As early as 1 pm ay puno na ang labas ng Folk Arts Theatre ng mga tagahanga, making sure na makakuha sila ng magandang seats. Ang problema nga lang, kalahati ng mga nakita ninyo sa venue ay hindi nakapasok. Kung bakit, hindi ko alam.

Gandang-ganda kami sa presentation ng show. Halatang pinaghandaan ng ABS-CBN ang birthday show ng kanilang ‘bagong reyna’. May mga numbers na gustung-gusto namin. Una ay yung number ni Claudine with sisters Gretchen and Marjorie. Sa huli ay umakyat ang mga anak nito. Nagustuhan din namin yung number with Aga Muhlach. Nagbiro nga ito na, noon daw ay kapatid siya ni Claudine, ngayon ay leading man na. Na-touch kami sa song number ni Claudine with Maricel Soriano na sinundan ng VTR message ni Dolphy.

Okey ang mga Hunks na sina Diether Ocampo, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Bernard Palanca at Carlos Agassi bilang mga hosts. Siyempre, it was Edu Manzano na talagang nagbigay ng sobrang fun lalo na kapag commercial break.

Ang nasabing special ang masasabing pinaka-star studded na special na na-mount ng ABS-CBN. Imagine, 200 stars ang present ng gabing yun. Mga artistang nakasama ni Claudine sa kanyang mga past teleserye at movies.

Nasa front seat si Mommy Inday, Daddy Mike Barretto at mga kapatid, pamangkin, Dennis Padilla at si Raymart Santiago.

Full support ang nakuha ni Claudine sa kanyang ABS-CBN, Talent Center at Star Cinema family. Present sina Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, Ms. Mariole Aberto, Ms. Malou Santos, Olivia Lamasan, Rory Quintos, Wenn Deramas, Tess Fuentes, Ms. Millete Santos-Mortiz at ilan pa.
* * *
Gusto naming pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng aming 32nd birthday na ginanap sa Cork Grill & Wine Cellar, The Loop, Eugenio Lopez Communication Centre noong Sabado. Ang mga babanggitin naming tao ay yaong mga taong napatunayan ang aming pakikipagkaibigan.

Maraming salamat kina Mr. Johnny Manahan, Ms. Mariole Alberto, Mr. Enrico Santos, Mrs. Inday Barretto, Ms. Pat P. Daza-Planas, Mr. Lawrence Tan, Ms. Ethel Ramos, Mr. Boy Abunda, Ms. Mae Santos, Rikka Dylim, Rita and Leslie Ho, Direk Wenn Deramas, Claudine Barretto, Carlos Agassi, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Marvin Agustin, Onemig Bondoc, John Lloyd Cruz, Rafael Rosell, Luis Alandy, Kaye Abad, John Prats, Dennis Trillo, Michelle Bayle, Stefano Mori and Mom Lulu, Angelene Aguilar and Mom Melanie Coronel, Jenny Miller at kay Mr. Deo Endrinal.

Maraming salamat din kina Ms. Elena dela Vega, Richard and Carol Chuateco, Dr. Vicki Belo, Irvin and Vangie Kua (of Belo Medical Group), Bern Buenas, David Fabros, Direk Jillmer Dy, Ronald Padriga, Luz Bagalacsa, Love and Ed Capulong, Alan Real, Len Gonzales, Gidget Bullag, Janice Damasco, Portia Dimla, Biboy Arboleda, Roxy Liquigan, Freddie Bautista, Louie Andrada, Joel Siervo, Zoilo Barrel, Check Ticsay, Junji Banat, Kate Dolino, Ogit Landas, Cheryl Zulueta, Danilyn Nunga, Victor Naynes, Badj Galias, Lala Dimaano, Kayen Bernardo and Neil, Ganter Lim, Genesis Manalo and Ms. Ruth Padilla of Restaurant 9501. Marami ring salamat kay Roel at sa staff ng Cork Grill & Wine Cellar.

Mga kasamahan sa panulat na sina Tita Cristy Fermin, Ogie Diaz, Jobert Sucaldito at Leo Bukas. At sa lahat ng nagpadala ng text at e-mail, maraming salamat po sa inyo.
* * *
For your comments and feedback, you can reach me at ericjohnsalut@yahoo.com

Show comments