Niregaluhan ng tiyuhin ng babae sa edad na 15
July 24, 2002 | 12:00am
Marami ang nagkakamali ng akala na mas matanda si Marcus Madrigal sa kanyang edad na 20 taong gulang.
Marahil dahil bold actor siya. At magaling siya sa kanyang trabaho. Di na siya kailangang turuan pa, alam na niya kung ano ang gagawin.
Pero, sa pelikulang Ang Galing Galing Mo Babes ng Imus Productions ay may mas magaling pa sa kanyasi Joyce Jimenez.
"Nahihiya nga ako sa kanya dahil siya ang nagdala ng lahat ng eksena namin. Hindi naman first time ko yun na magkaroon ng bold scene, pero dahil si Joyce siya, na-intimidate ako, nahiya. Nang malaman niya ito, sinabi niya na huwag akong mag-alala, bahala na siya," ani Marcus.
Para sa kanyang role sa movie, muli siyang bumalik ng gym. Mga tatlo hanggang apat na beses linggu-linggo. "Para hindi nakakahiya pagsabak ko sa eksena. Lumiit din ang katawan ko sa panahong hindi ako nag-movies," dagdag pa niya.
Inamin ni Marcus na hindi na siya birhen, may karanasan na siya. Na-devirginized siya nung kinse anyos siya. Binigyan siya ng tiyuhin niya ng isang babae, regalo para "mabinyagan" siya, at magkaroon ng karanasan sa sex.
"Mas may edad sa akin ang babae. Nangatog ang tuhod ko. Gumamit ako ng condom para safe," kwento niya.
Ang second experience niya ay courtesy of his girlfriend. Sa kabuuan, nakaka-pitong girlfriends na siya. Sa ngayon, pahinga muna siya. Kaya naman siguro, mas madaling paniwalaan na may relasyon sila ni Elizabeth Oropesa, co-star niya sa GMA teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga, napapanood, Lunes hanggang Biyernes.
"Hindi totoo yon, magkaibigan lang kami. Pero, mabait siya, marami akong natututunan sa kanya, hindi siya maramot mag-share ng kanyang talent," sabi niya tungkol sa kapareha.
Galing ABS-CBN si Marcus. Bahagi ng Star Circle Batch 6. Kasabayan niya sina Carlo, Drinee at marami pa. Seventeen lang siya nun.
Unang manager niya si Bobby Yalong. Ngayon, mother na niya ang nagpapatakbo ng kanyang career. Sinabi niya na walang problema sa parents ang paglabas niya ng bold. "Trabaho lang yun," katwiran niya.
Apat silang magkakapatid. Isa rito ay mongoloid. Labimpitong taong gulang na pero may isip ng pitong taon.
"Siya ang dahilan kung bakit ako nag-artista. Gusto kong ibigay ang lahat ng gusto niya bago siya mawala." Alam niya na ang life span ng mga may ganitong kapansanan ay hanggang 20 taon lamang. "Hindi naman siya mahirap alagaan. Nanonood lang ng TV at kapag napagod, natutulog na. Pagkagising, TV muli. Minsan isinasama ko siya sa mall. Hamburger ang favorite food niya."
Si Phillip, si Marcus sa Ang Galing Galing Mo Babes. Prosti naman si Joyce na nakaniig niya ng isang gabi. Ito ang "nagbinyag" sa kanya sa pelikula. Marami ang nagsabi na napaka-erotic ng eksena nilang dalawa. Pero, kung erotic ito, di patatalo ang eksena ni Joyce kay Albert (Martinez). May pagka-sadista na ang labas, abnormal. Ayon kay Albert, lahat ng extremes ginawa nila ni Joyce sa movie.
At sa direksyon ni Ed Palmos, naging mas malakas pa sa nagdaang mga bagyo ang pelikula.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended