Isa si direk Maryo J sa mga prime movers ng event, which is going international starting this year. Boholano si Direk at may ilang properties ang kanyang grand parents doon na dini-develop nila ngayon. Ito ang pinagkakaabalahan niya everytime na wala siyang trabaho rito sa Manila.
Determinado ang mga tao sa likod ng local tourism ng Bohol to promote their province to the fullest. Bukod sa very famous Chocolate Hills at magagandang beaches all over the island, nagbi-breed na rin sila ng mga tarsiers. Ito yung kilala worldwide bilang smallest monkey.
Hindi rin nakasama ang pelikulang Kapalit nina Alma Moreno, Jay Manalo at Victor Neri, pero nag-open na ito sa Metro Manila ng July 17. In lieu of this developments, pumasok ang Mga Munting Tinig ni Gil Portes, starring Alessandra de Rossi. Napasama na rin ang Cass & Carry ni Bayani Agbayani ng Violett Films.
Naging opener ng film festival ang pelikulang Magkapatid nina Sharon Cuneta at Christopher de Leon. Ipalalabas din ang kontrobersyal 5-hour movie ni Lav Diz, ang Batang Westside, with Cine Manila International Film Festival Best Actor, Yul Servo.
Ginagawa ngayon ni direk Maryo J. ang pelikulang Bedtime Stories para sa World Arts Cinema. Isang trilogy ito na pangungunahan ni Maricar de Mesa sa tatlong magkakaibang karakter at istorya.Samantala, napauwi ng wala sa oras ang Dyna Music recording artist na si Ynez Veneracion from Japan. Siya kasi ang napili ni direk Maryo J to play the role of a lesbian in one of the episodes. Magkakaroon sila ni Maricar ng kissing scenes, and Ynez finds it very challenging, kaya hindi niya ito palalampasin.
And the latest about direk Maryo J sa balak na pagsasa-pelikulang muli ng Annie Batungbakal movie, malamang na siyang muli ang magdirehe nito. Pinag-uusapan na raw sa Viva ang tungkol sa posibilidad na pagsasama nina Nora Aunor at Jolina Magdangal movie which has a tentative title na Anak Ni Annie Batungbakal. (Ulat ni Ben Dela Cruz)