Si Vilma Santos ang gustong makatrabaho ni Juday
July 20, 2002 | 12:00am
Mukhang kakambal na nga yata ng young superstar na si Judy Ann Santos ang suwerte dahil sa kabila ng mga intriga na patuloy na ibinabato sa kanya ay patuloy pa rin ang pagkinang ng mga tala sa kanya. To think na matagal-tagal na ring panahon ang kanyang pamamayagpag. Kaya naman, sa halip na magpaapekto sa mga intriga sa kanya, lalo niyang pinagbubuti ang kanyang trabaho.
May bagong movie ang batang superstar, ang feel-good movie na Pakisabi Na lang Mahal Ko Siya na pinagtatambalan nila ng kabataang aktor na si Cogie Domingo at dinirek ng box office director na si Boots Plata for Regal Films. Nariyan pa rin siyempre ang kanyang well followed soap opera sa ABS-CBN na Sa Puso Ko Iingatan Ka at ang twice-a-week appearance niya sa noontime show na MTB. Labas pa rito ang mga personal appearances niya sa loob at labas ng bansa. At sa kabila ng kanyang very tight schedule sa showbiz, nakukuha pa rin nitong harapin ang kanyang pagiging isang negosyante, ang sarili niyang franchise ng Anonymous sa may Quezon Ave. at ang sarili niyang resto-bar na Café Caravana sa may Scout Tobias in Quezon City na pormal nang magbubukas sa Hulyo 24.
Lingid sa kaalaman ng marami, hands-down ang ginagawang pamamalakad ni Juday ng kanyang resto-bar sa tulong ng kanyang butihing ina na si Mommy Carol at nakatatandang kapatid na si Jeffrey Santos. Sa kanilang resto-bar, parating nasa kitchen si Juday at mino-monitor nito ang mga putahe na niluluto ng kanyang mga cook at ang nakakagulat pa, si Juday rin ang namamalengke sa Farmers kaya marami na siyang suki. Kaya alam niya ang presyo ng kamatis at asin.
Personalized ang serbisyo na gustong ibigay ni Juday sa kanilang mga customers sa Café Caravana na kamakailan lang nagkaroon ng soft opening.
Kapag mahal mo ang ginagawa mo, somehow, nagi-enjoy ka at hindi mo alintana ang pagod, pahayag niya.
At kapag nasa Café Caravana siya, tumutulong mismo siya sa pagluluto at pagsisilbi kaya parang double treat ito sa mga customers ng resto-bar.
Maging ang konsepto at decors ng lugar ay si Juday ang nag-isip at namili kaya dito makikita kung gaano kaganda ang kanyang taste sa kabuuan ng lugar.
Samantala, hindi ikinakaila ni Juday na talagang mahusay na aktor si Cogie at itoy personal niyang napatunayan sa kanilang unang pagtatambal.
Preparado siya (Cogie) kapag dumarating sa set. Alam niya ang kanyang mga eksena at mga linya at isa siyang natural na aktor, puri pa ng dalaga sa kanyang leading man.
Hindi nagtagumpay ang mga dumalong press sa pag-urirat kay Juday kung sino ba sa mga naging leading men niya (including Cogie) ang pinakamasarap humalik at paano niya ikukumpara ang isa sa iba?
Pare-pareho lang silang masarap humalik at walang nag-take advantage, safe niyang sagot.
Hindi rin ikinakaila ni Juday na isang malaking karangalan sa kanya ang pelikulang Magkapatid hindi lamang dahil nakatrabaho niya ang megastar na si Sharon Cuneta kundi isa itong quality film na bihirang dumating sa kanya.
Identified na kasi ako sa paggawa ng mga romantic, comedy at mga feel good movies tulad nga nitong movie namin ni Cogie. Yung mga pelikulang may kilig na siya naman talagang gusto ng mga fans. Pero once in a while, gusto ko rin namang makagawa ng mga heavy drama movies tulad nga ng Magkapatid namin ni Ate Sharon at yung Babae namin ni Ate Guy (Nora Aunor), paliwanag pa niya.
Although nakatrabaho na ni Juday sina Guy at Sharon, gusto pa rin niyang muling makatrabaho ang mga ito at pangarap din niyang makasama ang Star for all Seasons na si Vilma Santos.
Actually, bukod kay Ate Vi, marami pa akong gustong makatambal at makatrabaho, pero siyempre happy din ako sa mga nakasama ko na sa pelikula tulad nina Tatay Ronnie (FPJ), Bong Revilla, Wowie (de Guzman), Rico (Yan), Piolo Pascual at marami pang iba.
Si Juday din ang nagbalita na malapit na nilang simulan ni Piolo ang kanilang reunion movie sa bakuran ng Star Cinema at may movie rin silang sisimulan ni Robin Padilla sa Viva. Inihahanda na rin ang balik-tambalan nila ni FPJ ang Isusumbong Kita sa Tatay Ko, Part 2 under Star Cinema.
May mga iba pang projects na sinabi sa akin ni Tito Alfie (Lorenzo), pero hindi ko na muna iniintindi hanggat hindi pa ako nakakapagsimula, aniya.
At 24, aminado ang dalaga na hanggang ngayon ay loveless pa rin siya pero hindi umano siya nagmamadali dahil na rin sa kanyang pagiging busy sa kanyang career at negosyo.
Next month, nakatakdang lumipad si Juday patungong Hawaii for a series of shows sa Honolulu, Maui at Kawaii at ang producer nito ay ang kaibigan naming si Francis Arrastia ng Connar Trading, the same producer ng nag-produce ng successful concert ni Jolina Magdangal sa Aloha State nung isang taon.
Anumang problema ang ilapit ko sa kanya ay hindi Niya ako pinababayaan. Ang Diyos ang number one kong kakampi bukod sa aking pamilya, mga kaibigan at mga fans, deklara pa ng dalaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended