Dating myembro ng singing group na Novia si Margaux. Nag-dancer din siya, nakabilang sa Talent Center ng ABS CBN at nakagawa na ng pelikula sa Star Cinema (Narinig Mo Na Ba Ang L8st? with Aga Muhlach and Joyce Jimenez at, Bakit Di Totohanin topbilled by Judy Ann Santos at Piolo Pascual). Umalis siya rito at lumipat sa kandili ni Daddy Wowie Roxas para mag-bold.
Hindi ipinagkakaila ni Margaux na isa siyang lesbiana. "Nun ito. Talagang mga babae ang gusto kong makasama at maka-relasyon. Pero nang tumuntong ako ng 20 taong gulang ay sinawaan din ako. Naging babaeng-babae naman ako. Lalaki naman ngayon ang nagugustuhan ko. Para pang naging selosa ako," sabi niya bagaman at itinanggi niya na nakipag-away siya sa isang bold star, si KC Castillo, na sinabuyan niya ng alak, dahil pinagselosan niya ito kay Ronald Gan Ledesma.
Sa Hanggang Kailan Ako Papatay Para Mabuhay ay maraming bold star ang mai-insecure sa kanya dahil pumayag siya sa napakaraming lovescene at hubaran.
"Wala akong limitasyon. Hanggat kinakailangan at papayagan, pwede ako," may pagmamalaking sabi ng bagong bold star na matagal ding namalagi sa Amerika na kung saan ay nasubukan niyang magtrabaho ng kung anu-ano. "Kaya nga ako nag-artista dahil mas maraming pera rito at madali ang trabaho," dagdag pa niya.
Palabas ang pelikula sa Hulyo 24 na nasa direksyon ni Roland Ledesma.
Lumabas sa ilang pang-umagang pahayagan ng araw na yun ang isang malaking pyramiding scam na nag-involve sa MTST Limited na iba naman sa MTST Lending Investor na pag-aari ni Gng. Santos. Nagbigay ito ng malaking alalahanin sa ilang mga investor ng MTST kung kaya para mapanatag ang loob nila, minarapat ng mga namumuno nito na magbigay ng pahayag na wala silang kinalaman sa naturang scam. Anumang oras ay magagalaw nila ang kanilang pera sa bangko sapagkat hindi ito pinreeze ng Bangko Sentral dahil wala naman silang nilalabag na batas lalo na tungkol sa mga tumatalbog na tseke.
Bago lumabas ang balitang ito, tumanggap ng liham si Dir. Wycoco mula sa legal counsel ni Kay Torres, kay Atty. Harriet O. Demetriou, nung Hunyo 21, 2002, na humihingi ng linaw sa ginagawang imbestigasyon