Lesbiana ang bagong bold star!
July 19, 2002 | 12:00am
Margaux Montano ang pangalan niya. Inilulunsad siya sa pagkabituin ng LED Cinema, sister company ng MMG Films, sa pelikulang Hanggang Kailan Ako Papatay Para Mabuhay na nagtatampok kay Ronald Gan Ledesma kasama sina Eddie Gutierrez, Ervin Mateo, Alvin Anson, Yam Ledesma at Brando Legaspi.
Dating myembro ng singing group na Novia si Margaux. Nag-dancer din siya, nakabilang sa Talent Center ng ABS CBN at nakagawa na ng pelikula sa Star Cinema (Narinig Mo Na Ba Ang L8st? with Aga Muhlach and Joyce Jimenez at, Bakit Di Totohanin topbilled by Judy Ann Santos at Piolo Pascual). Umalis siya rito at lumipat sa kandili ni Daddy Wowie Roxas para mag-bold.
Hindi ipinagkakaila ni Margaux na isa siyang lesbiana. "Nun ito. Talagang mga babae ang gusto kong makasama at maka-relasyon. Pero nang tumuntong ako ng 20 taong gulang ay sinawaan din ako. Naging babaeng-babae naman ako. Lalaki naman ngayon ang nagugustuhan ko. Para pang naging selosa ako," sabi niya bagaman at itinanggi niya na nakipag-away siya sa isang bold star, si KC Castillo, na sinabuyan niya ng alak, dahil pinagselosan niya ito kay Ronald Gan Ledesma.
Sa Hanggang Kailan Ako Papatay Para Mabuhay ay maraming bold star ang mai-insecure sa kanya dahil pumayag siya sa napakaraming lovescene at hubaran.
"Wala akong limitasyon. Hanggat kinakailangan at papayagan, pwede ako," may pagmamalaking sabi ng bagong bold star na matagal ding namalagi sa Amerika na kung saan ay nasubukan niyang magtrabaho ng kung anu-ano. "Kaya nga ako nag-artista dahil mas maraming pera rito at madali ang trabaho," dagdag pa niya.
Palabas ang pelikula sa Hulyo 24 na nasa direksyon ni Roland Ledesma.
Napasama tuloy kami sa investors meeting ng MTST Lending Investor dahil dalawa sa kafatid namin sa panulat ay humahawak ng PR ng Startrax, isa sa mga kumpanya na kinakapitalan ng MTST na pinamumunuan ni Ma. Teresa S. Santos.
Lumabas sa ilang pang-umagang pahayagan ng araw na yun ang isang malaking pyramiding scam na nag-involve sa MTST Limited na iba naman sa MTST Lending Investor na pag-aari ni Gng. Santos. Nagbigay ito ng malaking alalahanin sa ilang mga investor ng MTST kung kaya para mapanatag ang loob nila, minarapat ng mga namumuno nito na magbigay ng pahayag na wala silang kinalaman sa naturang scam. Anumang oras ay magagalaw nila ang kanilang pera sa bangko sapagkat hindi ito pinreeze ng Bangko Sentral dahil wala naman silang nilalabag na batas lalo na tungkol sa mga tumatalbog na tseke.
Mapapanatag na marahil ang loob ng anak ng namatay na si Nida Blanca na si Kay Torres sapagkat matapos ang walong buwan ng paghihintay na malutas ang kaso ng pagpatay sa kanyang ina. Nag-file na ng murder charges ang NBI sa pamumuno ni Direktor Reynaldo Wycoco sa anim na tao nung Miyerkules sa Department of Justice. HIndi pa pinangalanan ang mga suspects pero sinabi ni Wycoco na tatlo sa kanila ay magiging principal suspects at ang natitirang tatlo ay mga accessories sa krimen. Naniniwala ang NBI na pera at real estate property ang naging dahilan ng kamatayan ng aktres.
Bago lumabas ang balitang ito, tumanggap ng liham si Dir. Wycoco mula sa legal counsel ni Kay Torres, kay Atty. Harriet O. Demetriou, nung Hunyo 21, 2002, na humihingi ng linaw sa ginagawang imbestigasyon
Dating myembro ng singing group na Novia si Margaux. Nag-dancer din siya, nakabilang sa Talent Center ng ABS CBN at nakagawa na ng pelikula sa Star Cinema (Narinig Mo Na Ba Ang L8st? with Aga Muhlach and Joyce Jimenez at, Bakit Di Totohanin topbilled by Judy Ann Santos at Piolo Pascual). Umalis siya rito at lumipat sa kandili ni Daddy Wowie Roxas para mag-bold.
Hindi ipinagkakaila ni Margaux na isa siyang lesbiana. "Nun ito. Talagang mga babae ang gusto kong makasama at maka-relasyon. Pero nang tumuntong ako ng 20 taong gulang ay sinawaan din ako. Naging babaeng-babae naman ako. Lalaki naman ngayon ang nagugustuhan ko. Para pang naging selosa ako," sabi niya bagaman at itinanggi niya na nakipag-away siya sa isang bold star, si KC Castillo, na sinabuyan niya ng alak, dahil pinagselosan niya ito kay Ronald Gan Ledesma.
Sa Hanggang Kailan Ako Papatay Para Mabuhay ay maraming bold star ang mai-insecure sa kanya dahil pumayag siya sa napakaraming lovescene at hubaran.
"Wala akong limitasyon. Hanggat kinakailangan at papayagan, pwede ako," may pagmamalaking sabi ng bagong bold star na matagal ding namalagi sa Amerika na kung saan ay nasubukan niyang magtrabaho ng kung anu-ano. "Kaya nga ako nag-artista dahil mas maraming pera rito at madali ang trabaho," dagdag pa niya.
Palabas ang pelikula sa Hulyo 24 na nasa direksyon ni Roland Ledesma.
Lumabas sa ilang pang-umagang pahayagan ng araw na yun ang isang malaking pyramiding scam na nag-involve sa MTST Limited na iba naman sa MTST Lending Investor na pag-aari ni Gng. Santos. Nagbigay ito ng malaking alalahanin sa ilang mga investor ng MTST kung kaya para mapanatag ang loob nila, minarapat ng mga namumuno nito na magbigay ng pahayag na wala silang kinalaman sa naturang scam. Anumang oras ay magagalaw nila ang kanilang pera sa bangko sapagkat hindi ito pinreeze ng Bangko Sentral dahil wala naman silang nilalabag na batas lalo na tungkol sa mga tumatalbog na tseke.
Bago lumabas ang balitang ito, tumanggap ng liham si Dir. Wycoco mula sa legal counsel ni Kay Torres, kay Atty. Harriet O. Demetriou, nung Hunyo 21, 2002, na humihingi ng linaw sa ginagawang imbestigasyon
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am