Hindi nakakapagtaka kung sakali man at maakit si
Vic Sotto sa original "Giling-giling Queen" ng grupong
Sex Bomb na si
Rochelle Pangilinan. Sa ganda ng katawan at galing gumiling, bihirang lalaki ang hindi maakit kay Rochelle. Lahat naman sila ay grabeng gumiling liban kay Rochelle na akala moy gilingan ang katawan. Si Rochelle ang unang member ng
Sex Bomb pero ang tatlo pa niyang kasama noon ay tsugi na. Thirteen na silang lahat ngayon, kasali ang bagong saltang galing ng Cebu na si
Jacqueline Esteves. English-speaking si Jacque at nag-aaral sa Montessori-Cebu.
"Bakit naman ako mai-insecure sa kanya? Tagalog naman kasi ang gusto ko," nakataas lang ang kilay na sabi ni Rochelle. Ang kanilang manager ay si
Tita Joy.
Mababait naman ang mga
Sex Bomb, likas lang ang kapilyahan. Gusto nilang maging sikat na artista balang araw.
Vir Gonzales