^

PSN Showbiz

Sex Bomb humahataw

-
Hindi nakakapagtaka kung sakali man at maakit si Vic Sotto sa original "Giling-giling Queen" ng grupong Sex Bomb na si Rochelle Pangilinan. Sa ganda ng katawan at galing gumiling, bihirang lalaki ang hindi maakit kay Rochelle. Lahat naman sila ay grabeng gumiling liban kay Rochelle na akala mo’y gilingan ang katawan. Si Rochelle ang unang member ng Sex Bomb pero ang tatlo pa niyang kasama noon ay tsugi na. Thirteen na silang lahat ngayon, kasali ang bagong saltang galing ng Cebu na si Jacqueline Esteves. English-speaking si Jacque at nag-aaral sa Montessori-Cebu.

"Bakit naman ako mai-insecure sa kanya? Tagalog naman kasi ang gusto ko," nakataas lang ang kilay na sabi ni Rochelle. Ang kanilang manager ay si Tita Joy.

Mababait naman ang mga Sex Bomb, likas lang ang kapilyahan. Gusto nilang maging sikat na artista balang araw.— Vir Gonzales

BAKIT

CEBU

JACQUELINE ESTEVES

ROCHELLE PANGILINAN

SEX BOMB

SI ROCHELLE

TITA JOY

VIC SOTTO

VIR GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with