Onemig, hindi na kailangang magpa-sexy
July 17, 2002 | 12:00am
Kamakalawa ay nakausap namin si Mrs. Inday Barretto, ang butihing ina ni Claudine Barretto. Overwhelmed si Mrs. Barretto sa magagandang write-up na naglalabasan sa kanyang anak. Gustong iparating ni Mrs. Barretto ang kanyang pasasalamat sa press dahil sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanyang anak specially nong down ito.
Ibinalita na rin naming kay Mrs. Barretto ang nangyari sa presscon ni Claudine kung saan pinahanga nito ang movie press sa kanyang pagiging sincere at honest sa pagsagot sa mga tanong.
Happy si Mrs. Barretto sa nangyayari sa kanyang anak na although hindi pa totally healed ay nakaka-move on na kahit papaano. "I wanna see my daughter really happy on that special day in her life," sabi ni Mrs. Barretto.
Nakiusap si Mrs. Barretto kay Mr. Deo Endrinal (punong-abala sa preparation sa birthday ni Claudine) na bigyan ng VIP seats ang mga press na manonood ng The Journey Of My Heart: The Claudine Barretto Birthday Special sa Biyernes sa Folk Arts Theater. Gustong Makita ni Mrs. Barretto ang mga taong sumusuporta sa kanyang anak.
Sa pelikulang Jologs pinatunayan ni Onemig Bondoc na hindi na niya kailangan magpa-sexy para lamang mapansin. Isang very impressive performance ang ipapakita ni Onemig sa bagong offering ng Star Cinema.
Kailangan lang ng isang mahusay na director tulad ni Direk Gilbert Perez para mailabas ni Onemig ang tunay niyang potential. Matatandaan na nagkaroon ng mga papuri si Onemig sa mahusay niyang pagganap sa teen movie na Trip last year. Lalo siyang hinangaan ng marami sa Jologs kung saan ang role niya ay isang nagmamay-ari ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Diether Ocampo, isa rin sa mga starring ng pelikula.
Recently din lumabas siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Makikita talaga na matured na ang acting nito at kayang-kaya na niyang mag-excel sa drama. Showing na this August ang Jologs.
Nag-celebrate si Angelene Aguilar ng 15th birthday niya last Monday. Masayang masaya ang bagets dahil ito ang first birthday niya sa showbusiness. Very thankful naman siya sa mga blessings na kanyang tinatamasa dahil dalawa ang regular shows niya sa Dos, ang teleserye na Recuerdo de Amor at ang teen oriented show na K2BU. Kahit may taping siya ng araw na iyon masaya pa rin siya at nagkaroon ng maliit na salu-salo sa set ng Recuerdo.
July celebrant din si Diether Ocampo na kasama ni Angelene sa Recuerdo kayat naging special guest ang dalaga sa naganap na fans day ni Diet noong Linggo sa Pizzahut Delta. Very sweet at nakakakilig ang dalawa sa kanilang special number at mukhang tanggap naman ng fans ni Diether si Angelene.
Abangan din si Angelene kasama sina Sarah Christoper, L.A. Mumar at John Prats sa ibat ibang schools dito sa Metro Manila dahil mag-uumpisa na sila ng Ponds school tour this Friday, July 19. First stop nila ang St. Scholasticas College Manila.
For your comments and suggestions, e-mail me at [email protected].>
Ibinalita na rin naming kay Mrs. Barretto ang nangyari sa presscon ni Claudine kung saan pinahanga nito ang movie press sa kanyang pagiging sincere at honest sa pagsagot sa mga tanong.
Happy si Mrs. Barretto sa nangyayari sa kanyang anak na although hindi pa totally healed ay nakaka-move on na kahit papaano. "I wanna see my daughter really happy on that special day in her life," sabi ni Mrs. Barretto.
Nakiusap si Mrs. Barretto kay Mr. Deo Endrinal (punong-abala sa preparation sa birthday ni Claudine) na bigyan ng VIP seats ang mga press na manonood ng The Journey Of My Heart: The Claudine Barretto Birthday Special sa Biyernes sa Folk Arts Theater. Gustong Makita ni Mrs. Barretto ang mga taong sumusuporta sa kanyang anak.
Kailangan lang ng isang mahusay na director tulad ni Direk Gilbert Perez para mailabas ni Onemig ang tunay niyang potential. Matatandaan na nagkaroon ng mga papuri si Onemig sa mahusay niyang pagganap sa teen movie na Trip last year. Lalo siyang hinangaan ng marami sa Jologs kung saan ang role niya ay isang nagmamay-ari ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Diether Ocampo, isa rin sa mga starring ng pelikula.
Recently din lumabas siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Makikita talaga na matured na ang acting nito at kayang-kaya na niyang mag-excel sa drama. Showing na this August ang Jologs.
July celebrant din si Diether Ocampo na kasama ni Angelene sa Recuerdo kayat naging special guest ang dalaga sa naganap na fans day ni Diet noong Linggo sa Pizzahut Delta. Very sweet at nakakakilig ang dalawa sa kanilang special number at mukhang tanggap naman ng fans ni Diether si Angelene.
Abangan din si Angelene kasama sina Sarah Christoper, L.A. Mumar at John Prats sa ibat ibang schools dito sa Metro Manila dahil mag-uumpisa na sila ng Ponds school tour this Friday, July 19. First stop nila ang St. Scholasticas College Manila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended