Kahit busy sa telebisyon si Richard, bukod pa sa kanyang nakalinyang mga pelikula sa Viva at Regal Films ay may quality time pa rin itong naibibigay sa pamilya. "Pagkatapos ng S-Files ay lumalabas kami ng pamilya ko o kayay nagsasama-sama kami sa bahay. May kunswelo na akong natatanggap sa aking anak dahil kapag gumigising ito sa umaga ay hahalik ito at bubulong ng "I love you very much" sa tainga ko," aniya.
Tinanong ko si Goma kung hindi ba siya naiilang dahil isa siyang dramatic actor at multi-awarded actor at sportsman pero may pagka-tsismoso ang dating dahil nag-iinterbyu at nang-iintriga ng mga artista sa S-Files. "Hindi naman dahil trabaho rin ito at enjoy naman ako sa programa. Di bat kumakanta rin ako at sumasayaw sa SOP pero pansamantala lang naman ito," dagdag pa nitong pahayag.
Nagbiro pa nga ito na nabibitin siya kapag tatlo lang ang kinakanta sa noontime show. Hindi pa ito decided kung papasok sa pulitika kahit may mga offer ito. Bukod sa showbiz commitment ay abala si Goma sa kanyang sports activities at representative uli siya ng Pilipinas sa Asian Games para sa fencing.
Bata pa si Aiza ay tumutulong na siya sa kawanggawa kahit noong nasa Eat Bulaga pa siya at ang beneficiary ay ang home for the aged na nasa Tayuman. Madalas siyang magtungo sa kanilang lalawigan para itaguyod ang feeding program nito sa ilang depressed areas ng lugar sa Kamaynilaan.
Magkakaroon ng solo concert si Aiza sa Rembrandt Hotel sa Agosto 16 at beneficiary ay ang feeding program ng Soroptimist Club International ng Dasma-Salcedo Club sa pakikipagtulungan sa Daniel Fajardo Elementary School.
Seksing Aktres, Naimbyerna Sa Kaulayaw Na Executive
Inis na inis ang isang seksing aktres nang magkaroon sila ng one-night stand ng isang radio executive. Paano kahit anong gawin nitong foreplay ay hindi nati-turn on ang kaulayaw. Kulang na lang na sabihin nito na matanda na kasi ang radio executive pero mahilig pa rin sa mga seksing aktres.
Sa isang oras ng romansa nila sa kama ay wala ring nangyari kaya natulog na lang ang executive habang panay ang pagratsada ng bunganga ng aktres na nabitin sa romansa. Pero sulit naman ang ibinayad sa kanya ng matandang executive kinabukasan.