^

PSN Showbiz

Kumita kaya ang Joey/Kris movie?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Nagkaroon ng preview ang Kapalit, comeback movie ni Alma Moreno with Jay Manalo, Boots Anson Roa, Victor Neri and Michelle Quizon under the direction of Mel Chionglo.

Interesting ang pelikula although hindi ko nasimulang panoorin. Right material for Alma. In fairness, magaling siya rito. May mga nagsasabi pa ngang baka ito pa ang magbigay ng acting award sa kanya. I can’t remember na kasi kung kailan ko napanood sa pelikula si Alma, kaya hindi ko ma-compare ang acting niya noon at ngayon.

At kung magaling siya rito, magaling din sina Jay, Victor and Ms. Boots Anson-Roa.

Mag-asawa sina Michelle Quizon at Jay dito, samantalang si Victor ang husband ni Alma. Magkasama sa isang real estate company sina Michelle and Victor. ‘Yun pala may affair sila kaya magkasama silang naaksidente. Namatay sa nasabing aksidente si Michelle. Nabuhay naman si Victor, pero putol na ang paa niya.

Nang maaksidente lang ang dalawa, na-discover ng kanilang mga asawa na may affair ang dalawa. Do’n magi-start ang conflict ng pelikula. Parehong magi-investigate ang respective partner nila (Alma and Jay) dahil nakita nila lahat ng evidence na may affair ang dalawa. Na-discover din nila na may sarili na palang condo sina Michelle and Victor at nakatago sa safety box ang title ng condo. Doon nila nalaman kung gaano ka-in love ang dalawa at na-imagine nila kung anong ginagawa nang mga ito sa condo.

Wala kasing idea sina Jay and Alma na may problema na sa kani-kanilang marriage kaya na-hurt talaga sila sa nangyari.

Si Alma ang mas nahirapan dahil hindi na siya kinakausap ni Victor after nang nangyari at sinabi rin sa kanyang hindi siya mahal nito (Victor). Do’n medyo mas naging close sina Alma at Jay at dumating sa point na muntik na silang magka- affair. Pero ayaw ni Alma.

In the end, nag-suicide si Victor dahil sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay ni Michelle. Matutuloy naman ang pag-alis ni Alma at anak nila ni Victor papuntang US. Pero ayaw niya pa rin kay Jay.

By the way, magaling din dito si Boots Anson Roa as Victor’s mother na kontrabida. Bagay din pala sa kanyang maging masama ang ugali. Usually kasi, mabait na mother or lola si Ms. Roa sa pelikula. Pero this time, talagang maiinis ka sa character niya. Maganda rin ang registration ni Michelle Quizon dito.

Sana nga, mag-click ang Kapalit dahil matagal ding hindi natin napanood si Alma sa pelikula.
*****
Speaking of Alma, finally nagsalita na rin ang actress tungkol sa Joey Marquez-Kris Aquino issue. Sinabi lahat ni Alma ang alam niya ang tungkol kina Joey and Kris. Na muntik na niyang abutan si Kris sa condo ni Joey sa The Fort na worth P35 M.

Sinabi rin ni Alma na may time na hoping pa rin siya at mga anak niya na magkakabalikan sila. Pero ngayong biglang nasa eksena si Kris kaya pati anak nila, na-depress.

Ngayon, accepted na niya na maghihiwalay talaga sila ni Joey.

Sa part naman ni Kris, talaga raw in love si Kris kay Joey. Kaya nga raw ang ganda-ganda nito ngayon.

Well, kelan nga kaya magigising si Kris sa katotohanan na may ilang tao pa rin siyang nasasaktan? Tapos gagawa pa sila ng pelikula ni Joey sa Regal Films with Carlos Agassi. Paano kaya nila i-explain sa anak nila later on ‘yung mga intriga sa kanila? Kasi once na gumawa sila ng pelikula, mas lalo silang iintrigahin. "For delicadeza man lang, hindi na niya ginawa ‘yun," comment ng isang veteran writer na ngayon pa lang ay nag-predict na hindi kikita ang pelikula ng dalawa.

Sabi naman ng isang showbiz observer, ganoon naman si Kris basta malagay lang siya sa news. "Oo nga naman, ngayon may pelikula tapos madadagdagan pa ang show niya sa ABS," she said.

Yes folks! Meron kasing bagong show si Kris with Pops Fernandez. Ito bale ang papalit sa Talk TV nina Christine Bersola and Julius Babao.
*****
Sa nalalapit na showing Pakisabi Na Lang...Mahal Ko Siya starring Judy Ann Santos and Cogie Domingo na inspired by Aiza Seguerra’s hit song, balik sa dating tradition ang Regal Films.

Kung matatandaan, nagsimula ang Regal sa family-oriented films - All Mine to Give among others in the late 60s and 70s. And then nag-introduced sila ng Regal Babies, isang concept na nag-launch sa maraming magagaling na artista na napapanood pa natin hanggang ngayon.

Naging part din ng expansion ng kanilang company ang pagpo-produce ng sexy films along with cause oriented ones (Sister Stella L) and action flicks at ang tinatawag na pito-pito na actually nagiging quality ang output tulad nang ginawa ng baguhang director na si Jeffrey Jeturian sa Sana Pag-ibig Na, Ang Kriminal sa Bo. Concepcion ni Lav Diaz at Sisa ni Mario O’Hara.

At sa recent Metro Manila Film Festival, positive ang feedback ng moviegoers sa I Think I’m In Love nina Joyce Jimenez and Piolo Pascual kaya naisip agad ng Regal na isunod ang movie nina Juday and Cogie under the direction of Boots Plata.

Tulad ng mga ginagawa ng Regal no’ng circa 80s, feel good ang Pakisabi Na Lang.... I’m sure maraming makaka-relate rito especially the students dahil tungkol ito sa isang estudyante na na-in love sa kanyang teacher. In real life kasi, maraming ganitong nangyayari.

At any rate, the movie is set to kick off next week.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected] / [email protected]

vuukle comment

ALMA

BOOTS ANSON ROA

KRIS

MICHELLE QUIZON

NILA

NIYA

PELIKULA

PERO

VICTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with