"Gusto rin sana niyang mag-audition sa Channel 2. Ilang ulit din niyang nabalitaan na naghahanap ito ng mga bagong artista. Ang kaso, wala kaming kakilala sa ABS CBN. Isa pa nagsimula nang magbunga yung mga ginawa niyang audition. May mga offers na. Nung una guestings lang. Naging regular din siya. Tapos na-meet niyang yung nagma-manage sa kanya dati. Ito ang lumakad para siya magkaroon ng mga palabas sa GMA 7. Ngayon na kay Manny Valera na siya, sa DMV Entertainment. Nagbunga naman ang ginawa niya. Dahil bukod sa nakakalabas na siya ngayon sa pelikula ay mayroon pa rin siyang recording contract," kwento ni Gng De Castro.
Iisa pa lamang ang malaking pelikula ni Glaiza, ang Cool Dudes ng Regal na kung saan ay isa siya sa naging bida together with Cogie Domingo, James Blanco, Danilo Barrios, Angelene Aguilar at si Jemmalyn Estrada. Dahil dito ay nabigyan siya ng nominasyon sa Star Awards bilang New Movie Actress of the Year. Sila ni Jemmalyn ang kasama sa grupo ba bini-build up ni German Moreno sa programa nitong Master Showman Presents. Isang grupo ito ng mga 8 o 10 kabataang baguhan na sinasanay sa programa for stardom. Nauna na sila ni Jemmalyn na nakalabas sa pelikula ng Regal.
May sino-shoot siya sa kasalukuyan, ang Singsing Ni Lola para sa Metro Manila Film Festival.
Nakatakda sigurong sumikat si Glaiza dahil bukod sa pelikula ay kinuha siya para gumawa ng album ng isang baguhang record company, ang XAX Music. Walong awitin ang nakapaloob sa kanyang debut album na may pamagat na "Magbalik Ka". May kasama itong minus one.
Mayroon siyang nakatakdang konsyerto sa Music Warehouse. Pinamagatan itong Glaiza Live! At Music Warehouse sa Biyernes, Hulyo 19. Makakasama niya ang Boyztown, Michael Pamular, John Paul Dizon, PM Belen at Noel Orozco.
Galing sa isang pamilyang showbiz si Glaiza. Kapwa kumakanta ang kanyang mga magulang. Kumanta na ang mga ito sa abroad. Kapatid ng kanyang ama ang aktor na si Dan Alvaro. "Ayaw po niyang lumabas sa bold kaya inaasikaso na lamang niya yung restaurant niya," ani Glaiza of her uncle.
"Natutulala ako tuwing makakatapos kami ng love scene," kwento ni Marcus. Nakaeksena ko na rin ng ganito sina Ana Capri at Ailah Marie pero, iba si Joyce. Wala siyang kyemeng magpakita maski ng maseselang bahagi ng kanyang katawan."
Kung ang mga eksena nila ni Marcus ay maiinit, siguradong nagliliyab naman ang sa kanila ni Albert Martinez. "Lahat ng extremes, ginawa namin dito," ani albert pero hindi na siya nag-elaborate pa.
Directed by Ed Palmos, Ang Galing Galing Mo Babes also stars Ruby Moreno, Lester Llansang, Jenny Roa, Perla Bautista at Cloyd Robinson.
"Ayaw kong mag-hubad para lang madaling sumikat. Okay na sa akin ang takbo ng career ko. Hindi naman ako nagmamadali. Darating din ito sa akin," anang kabataang baguhan na para hindi mainip ay nag-aaral sa De La Salle ng MassCom.
Kamakailan ay napili siyang one of the fashionable women in the Pacific ng isang Japan-based mag. Nakasama niya rito ang mga kilalang modelo sa Thailand, China, Mew Zealand, Japan, Australia, India, Singapore, Indonesia, Pakistan at Canada.
May gagawin siyang stage play sa Tele-Ad Productions na pinamagatang Bantayog at Medusa.