Lani M., may kissing scene kay Boyet

Ang ganda-ganda ni Lani Mercado nang makita namin sa premiere ng Ang Iibigin ay Ikaw ng Channel 7. Excited na ito dahil makakasama niya ang magagaling na artista at siya ang gaganap na asawa ni Boyet de Leon. Nagpaalam na rin siya sa kanyang mga anak dahil magkakaroon sila ng kissing scene ng magaling na aktor.

Mahigit na isang taon ding naging tahimik ang buhay ng aktres. Nasa bahay lang ito at inaasikaso ang pangangailangan ng asawa at mga anak.

Hindi ba siya kinakabahan sa bagong trabaho ni Bong bilang Chairman ng Videogram Regulatory Board? "Natatakot nga ako dahil mapanganib ang bagong trabaho niya kaya nadagdagan ang aming security. Kung ako ang masusunod ay ayaw ko pero wala akong magawa dahil gusto ni Bong. Noon pa man ay gusto na niyang makatulong sa industriya lalo na nang lumaganap ang piracy. Ngayon ay takot ako na baka malagay sa panganib ang kanyang buhay dahil nakakatanggap na ito ng death threats. Kaya ipinapasa-Diyos ko na lang ito dahil malinis naman ang intensyon ng aking asawa," anang aktres.
Alin ang mananalong sampung scripts sa MMFFP 2002?
Tatlumpu’t isa (31) na mga prodyuser ang nagsumite ng tatlumpu’t walong (38) iskrip para sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines 2002. Ihahayag ang sampung award-winning scripts ni Mayor Rey Malonzo na siyang Chairman ng Presidential Monthly Quality Award para sa mga de-kalidad na pelikula.

Narito ang ilan sa nagsumiteng produksyon: FPJ Productions, Inc. – Ang Alamat ng Lawin starring Fernando Poe, Jr./Sharmain Arnaiz directed by Ronwaldo Reyes; scriptwriter-Manuel Buising; Calinauan Cine Works Lapu-lapu-Lito Lapid directed by William Mayo; scriptwriter–Jerry O. Tirazona; Maverick Films – Gen. Emilio Aguinaldo (First President)-Jeorge Estregan/Edu Manzano/Maricel Soriano directed by Raymund Red; scriptwriter-Jose Mari Avellana; Ang Pagbabalik Ni Bondying-Bayani Agbayani/Vanessa del Bianco directed by Bibeth Orteza; scriptwriter-Bibeth Orteza; Teamwork productions-Balangiga-Ricky Davao/Raymond Bagatsing/Ina Raymundo directed by Gil Portes-scriptwriter-Jose Dalisay/Gil Portes; Kandungan-Raymond Bagatsing/Julia Clarete directed by Gil Portes; scriptwriters-Lualhati Bautista; Celso Ad Castillo Films Paraisong Kayumanggi-Eddie Garcia/Ina Raymundo/Dina Bonnevie; director/scriptwriter-Celso Ad Castillo; Imus Productions., Inc. – Agimat Bong Revilla, Jr./Ara Mina/Alma Moreno/Gina Alajar directed by Lore Reyes; scriptwriter-Peque Gallaga; RVQ Productions-Home Along Da Riber-Dolphy/Jolina Magdangal/Vandolph directed by Eric Quizon; scriptwiter Ben Feleo; Octo Arts Films Lastikman-Vic Sotto/Donita Rose directed by Tony Reyes; scriptwriter-Tony Reyes; Seiko Films - Calle Salvacion-Eddie Garcia/Dina Zubiri directed by Jeffrey Jeturian; scriptwriter-Romualdo Avellanosa; Violett Films – Magnifico Madyikero-Christopher de Leon/Lorna Tolentino directed by Maryo de los Reyes; scriptwriter-Michico Yamamoto; Viva Productions - Hibla-Assunta de Rossi, Maui Taylor directed by William "Yam" Laranas; scriptwriter-Edgar Ilao; My Jeannie in a Bote-Robin Padilla/Judy Ann Santos directed by Ike Jarlego Jr.; scriptwriter-Dennis Garcia; Boso-Albert Martinez/Rica Peralejo director/scriptwriters-William "Yam" Laranas/Jon Red. Star Cinema - Dekada ’70 Christopher de Leon/Vilma Santos directed by Chito Roño; scriptwriter-Lualhati Bautista; Reflections Films – Uno Corinto-Rudy Fernandez/Rufa Mae Quinto directed by Edgar Vinarao; scriptwriters-Humilde Roxas; Angora Films-Halik sa Apoy Jomari Yllana/Ana Capri by Francis Posadas; scriptwriter-Jerry Arcega Gracio; E-Corp Films The MastermindRonald Gan/Pyar Mirasol directed by Roland Ledesma; scriptwriter – Rod Santiago; MMG FilmsBlack Tiger-Eddie Garcia/Alma Soriano directed by Val Iglesias; scriptwriter-Ed Pajarillo.

Show comments