Pamilya ni John, boto kay heart and vice versa

Sina Dennis Trillo at Tanya Garcia ang mga featured celebrities sa fans day ng Robinson’s Mall-Cainta ngayong Sunday, July 14.

Siguradong magiging kwela ang buong hapon dahil may autograph signing at fun games with the fans. Meron ding mga surprise numbers ang dalawa para mas lalong maaliw ang mga fans.
* * *
Buong akala namin ay nabuwag na ang closeness nina John Prats at Heart Evangelista mula nang mawala sa ere ang G-MIK kung saan sila magkasama. Nagkamali kami dahil mas lalo pala silang naging close sa isa’t isa.

Naging very vocal ang parents ni John na boto sila kay Heart at wala silang reklamo sa kabaitan ng dalaga. Aba’y ganun din pala ang pamilya Ongpauco kay John. Kita raw ng pamilya ni Heart ang pagka-humble at responsible ng nakatatandang kapatid ni Camille. Isang dahilan marahil kung bakit hindi nila maitanggi na gusto nila si John. Mukhang very mutual ang reactions ng dalawang pamilya sa kung anumang closeness meron sina John at Heart. Hindi man natin alam kung aabot sa magandang pagtitinginan ang dalawa ay mas gusto muna nilang i-enjoy ang company ng isa’t isa.

Hindi rason ang kanilang mga busy schedules para hindi makapag-usap. As much as possible, they make it a point na thru text ay nagkakamustahan sila. Kung minsan naman daw ay nagkikita sila sa ABS-CBN. Happy din sila kapag nagkakasama sa mga out of town shows. Admitted sina John at Heart na nami-miss nila ang regular taping day for G-MIK pero okey lang dahil may mga individual projects naman daw sila.

In fact, halos wala nang pahinga si Heart sa dami ng kanyang ginagawa lately. Aside from her studies at regular taping for OK Fine Whatever, favorite siyang VJ ng MYX at host naman sa Magandang Tanghali Bayan. Nag-start na rin siya ng shooting for Star Cinema’s Tanging Yaman kung saan isa siya sa anak ni Aiai delas Alas. Samantalang si John ay regular sa Whattamen at sa upcoming movie na Jologs. He’s also a freshmen in Thames kung saan pursigido siyang makatapos ng Business Management.
* * *
Bukod sa team-up launching movie nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales, naging mabili rin ang kanilang movie soundtrack ng "Forevermore".

Last Sunday sa ASAP dapat ia-award sa dalawang bida ang gold record award for the "Forevermore" album pero nagkasakit si Tin. This Sunday ay pormal na ibibigay ng Star Records boss na si Ms. Vilma Selga ang nasabing award.

Malaking bonus na para kina Tin at Echo ang makakuha ng ganitong recognition dahil aminado naman silang hindi sila singer. Laking pasasalamat nila sa mga tumangkilik ng kanilang movie pati na rin ng soundtrack.

Kami mismo’y nagustuhan ang CD nang pakinggan ko, ka-in love naman talaga ang duet nina Tin at Echo. Dagdag pa ang magandang rendition nina RJ Rosales at Carol Banawa sa kantang "Together Forever".
* * *
For your comments and suggestions, you can e-mail me at ericjohnsalut@abs.pinoycentral.com.

Show comments