Camille, hindi alam kung magkano na ang pera niya

Pitong taon lamang nang magsimulang kumita ng sarili niyang pera si Camille Prats sa programang Ang TV.

"Maliit pa ako ay sumasayaw na ako at umaarte. Sinabi ko sa mom ko na gusto kong mag-artista. Bago ito, I was fascinated sa mga malalaking billboards ng pelikula na nakikita sa mga daan at buildings. Sabi ko, gusto ko rin malagay sa mga billboards. Pwede lang ito pag-artista na ako. Nag-audition ako sa Ang TV, natanggap naman ako. Nagkatotoo naman ang dream ko, nagkaroon ako ng billboard pero, nagagalit ako everytime na hindi ko kamukha yung nakalagay sa billboard," kwento ng 17-year old exclusive contract star ng ABS CBN at Star Cinema.

"Once, pinayagan nila akong lumabas sa isang Regal movie dahil wala akong ginagawa," sabi niya.

Nung una, hindi seryoso sa kanyang pag-aartista si Camille. "Gusto ko lang kasi, makita ko ang sarili ko sa screen." Nine years old na siya nang magsimula siyang mag-seryoso sa Sarah, Ang Munting Prinsesa.

Ten years after Ang TV and several movies which not only showcased her talents but chronicled her growing up, walang regrets si Camille na pinasok niya ang mundo ng showbiz.

"Contrary to what many believe of child stars, hindi naman ako na-deprive ng aking childhood. Dun sa dati naming tinitirhan ay may mga kapitbahay kaming mga bata. Sila ang mga nakalaro ko. I also had the opportunity of bathing and playing in the rain."

Ang ikinaiiba niya sa mga ibang kabataan ay mayroon na siyang pera. " I don’t know how much money I’ve got. My mom doesn’t tell me. But I was told na may pera ako dun sa bahay namin sa Cainta. But I know she keeps all the money that I earn in the bank. What I spend, yung mga ginagastos ko for my clothes, shoes, pants, jackets and even my allowance ay gastos nila. But the cost for my education, aking pera," sabi niya.

"I’d like to take up business in college. My dad has several businesses na gusto kong makatulong. Like his advertising business. Si John, interested siya sa construction business naman ng dad ko.

"Pero, kung ako ang masusunod, I will take up psychology in college. May passion kasi ako sa mga little children. Gusto ko maging pre-school teacher and build my own school in the future. Wala pang definite plans. My mom thinks I do not have the patience para dito. What is certain is that kahit artista pa ako when I finish my college education, gusto ko may business din ako," dagdag pa ni Camille.

At present, she is learning to be a leader by being the first National President of the more than 90,000 members of the Happy Savers Club ng Banco Filipino. She was chosen because of her wholesome image and as a talented actress and a loving daughter.

"Dati, image model lang ako rito. Now, my work is to teach others what I’ve learned in my seven year stint as an image model – which is knowing the value of thrift and the importance of saving for the future."

But thrifty her debut will not be. "Ayaw ko na sana ng party pero, sabi ng mom ko minsan lang ito dumating sa buhay ng isang babae. I was convinced. This early nagpa-book na kami sa Shangri-La Edsa. Kailangan daw kasi one year advance. Muntik pa nga naming hindi makuha yung birthday ko mismo dahil may kasabay ako ng birthday. It will be a big party. My brother John will be my escort. Even if I have a special someone, hindi siya magiging partner ko dahil kapag nag-break daw kami, ayaw ko nang alalahanin ang debut ko. Sayang naman dahil it will be one of the highlights of my life. Tapos kakalimutan ko dahil lang sa isang guy who will break my heart," sabi niya. Kung sino man ang guy closest to her heart, malalaman natin dahil siya ang magiging last dance nito sa 18 Roses.

Show comments