Kamakailan lang ay pumirma si Mikey ng isang two-picture contract sa bakuran ng Viva Films. Malugod na tinanggap ni G. Vic del Rosario, Chairman at CEO ng Viva Group of Companies, si Mikey para gumawa ng pelikula sa Viva Films.
Naging saksi rin sa naturang contract signing ang pangulo ng Viva Films na si Gng. Tess del Rosario-Cruz, ang Viva Group of Companies Film and Music Head na si Vincent del Rosario at ang manager ni Mikey, ang magaling na film director na si Willy Milan.
Sa dalawang pelikula niyang naka-line-up gawin sa bakuran ng Viva Films, unang gagawin ni Mikey ang isang comedy film na tatampukan din ng sikat na rapper-comedian na si Andrew E., kasama ang phenomenal rap group na Salbakuta at ang napaka-seksing si Rufa Mae Quinto. Siguradong riot at masaya ang naturang pelikula lalo nat pamamahalaan pa ito ni Al Tantay. Magsisimula ang paggiling ng camera para sa naturang pelikula sa pagbabalik ni Mikey mula sa kanilang week-long honeymoon ni Angela sa Amerika.