"Alam mo naman sa showbiz, hindi mo sigurado ang future mo. Kaya nag-isip ako non ng ibang mapagkakakitaan," sabi ni Glenda.
Pero iba talaga ang tawag ng showbiz. Nang i-offer sa kanya ng ABS-CBN ang K2BU bilang nanay ni Bea Alonzo, umuo agad siya.
Sosyal ang papel ni Glenda sa nasabing youth oriented show. Dating tinatawag si Glenda na Bella Flores at Zeny Zabala. Pero mapagkumbabang sabi niyang marami pa si-yang bigas na kakainin para maka-level ang mga nabanggit na Sampaguita Pictures kontrabida noon. VG