Ang hiling lang ng mga tagahanga ni Kaye ay bigyan ng bagong ka-loveteam si Kaye. Para raw madali ring makalimutan ni Kaye ang masaklap na kinahantungan ng loveteam nila ni John Lloyd. Iisa ang choice nila na pwedeng ipareha kay Kaye-Dennis Trillo.
Ayon sa kanila, nakita na nila ang chemistry nina Kaye at Dennis. Napanood na nila ito sa ilang TV guestings at ayon sa kanila, bagay ang dalawa. Sana raw ay i-push na ng ABS-CBN at Star Cinema ang kanilang loveteam.
Kami man ay pabor kung tuluyan nang i-push ng ABS-CBN ang loveteam nina Kaye at Dennis. Minsan lang silang nagkasama sa Star Studio pero nakita agad ang chemistry nilang dalawa. At para tuluyang maluto ang loveteam nilang dalawa, kailangan lang silang makita sa isang regular show at tiyak na kakagat agad ito sa publiko. Hindi naman malinaw kung ipi-pair ba talaga si Dennis kay Angelene Aguilar sa K2BU, pinag-uusapang teen program ngayon ng ABS-CBN.
Well, pangarap na team up nina Kaye at Dennis ay mananatili munang pangarap para sa kanilang mga tagahanga. Tanging ang ABS-CBN management ang makapagbibigay ng katuparan ng kanilang kahilingan.
Ang kaigihan kay Bong, ibang klase ang approach niya kapag may mga nahuhuli silang mga tindera ng VCD, CD at DVD. Hindi siya nagba-violate ng human rights. Kitang-kita pa rin ang concern niya sa mga kapus-palad na nahuhuling pirata na ang tanging hanapbuhay ay ang magbenta ng mga peke. Hindi marahas si Chairman Revilla at yun ang kaibahan niya sa ibang napakayabang na opisyal ng pamahalaan.
"Hindi kailangan yung mga maliliit ang tugisin, yung mga bigtime kung saan sila talaga ang nagma-manufacture. Yung mga nahuhuli naming mga nagtitinda na smalltime, kung maaari lang nga, bigyan namin ng ibang trabaho," sabi ni Chairman Revilla sa isang interbyung napanood namin.
Congratulations and keep it up, Chairman Bong Revilla, Jr.!
Ang paghihirap ni Kristine ay paghihirap din ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Kailangan niyang maging matatag para sa kanyang mga anak at pamilya.
Kami rin ay hinihingi ang tulong ninyo, aming mga readers na ipagdasal pa si Kristine para sa kanyang ikatatatag ng loob at eventually ay tuluyan nang gumaling ang kanyang karamdaman.
Sana ma-realize ni Kristine na hindi solusyon ang pagkitil ng sariling buhay para matapos ang paghihirap ng isang tao. Kundi ang paniniwala na sa lahat ng bagay ay may ibinigay na solusyon ang ating Panginoon.