Fans, lilikom ng pambayad sa utang ni Juday

Lahat ng mga tagahanga ni Judy Ann Santos sa buong kapuluan ay apektado sa na isulat na utang ng kanilang idolo kay Cristy Fermin. Hindi sila makapaniwala na ang kanilang idolo na itinuturing na highest paid young star at maraming pelikulang ginagawa ay may utang.

Gusto nilang makalikom ng malaking halaga para makatulong sa pagbayad ng utang nito. Gusto nila ay magbigay bawat isa sa P1.00, para pambayad sa utang ni Juday pero mas nakakarami ang nakahandang magbigay ng P20.00. May naka-plano pang isang show para mas madaling makalikom ng malaking halaga para rin sa kanilang idolo. (ALEX DATU)

Show comments