Jay tumanggi sa international movie

Dapat ay kasama si Jay Manalo sa The Great Raid na kasalukuyang kinukunan sa Australia at kung saan ay may malaking role si Cesar Montano pero, tinanggihan ng kanyang manager na si Manny Valera ang nasabing pelikula sapagkat nahuli ito (Valera) sa pagpili ng role para kay Jay sa nasabing movie. Nakuha na ng iba ang mga mahahabang roles at natira na lamang yung may shooting na lamang ng hanggang limang araw.

"Kung sakali, mga tatlong buwan na mawawala si Jay para sa nasabing pelikula. Maganda nga sana dahil international movie pero marami nang naka-schedule na gawain si Jay dito sa atin na hindi niya maiiwan ng matagal," ani G. Valera.

Nanghihinayang din si Jay sa pagkakataon pero naiintindihan niya ang magiging problema kung mawawala siya ng matagal na panahon. Samantala, bukod kay Cesar, nakuha rin daw para sa pelikula na magtatampok sa nobyo ni Julia Roberts na si Benjamin Bratt si Jomari Yllana

Kasama rin si Jay sa Erlinda Marikit ng World Arts Cinema pero hindi siya ang gaganap ng title role tungkol sa isang lalaki na nakakulong sa katawan ng isang babae kundi si Raymond Bagatsing.

"Bakla rin ang role ko rito pero tago, di tulad ni Erlinda Marikit na talagang open ang pagiging bakla at nakasuot babae pa," ani Jay.

Kasama siya sa Kapalit ng JAGGS Entertainment, Inc. with Alma Moreno, Victor Neri, Michelle Quizon at Boots Anson Roa. Unang produksyon ito ng kumpanya na itinatag ng kanyang paboritong direktor na si Joel Lamangan kasama ang mga kaibigan nito.
*****
Bukod kay Joyce Jimenez, pinagpilian pa rin sa role na Babes sa pelikula ng Imus Production na pinamagatang Ang Galing Galing Mo Babes! sina Rica Peralejo at Patricia Javier.

Muling binabalikan dito ni Joyce ang isang uri ng pelikula na unang nagpakilala sa kanya sa mga manonood – ang bold genre. Nagtangka siyang maging wholesome sa kanyang last movie at tinanggap naman siya ng manonood. Pero, ngayong dumarami na ang nagtatangkang agawin ang trono niya hindi lamang bilang bold queen kundi bilang pantasya rin ng bayan, muli nagbabalik si Joyce sa isang sexy movie na inaasahang magpapataob sa mga naipalabas ng bold movies. Ang Ang Galing Galing Mo Babes! ay nasa direksyon ni Ed Palmos. Kasama niyang muli si Albert Martinez na nakatambal niya sa Scorpio Nights.

Bukod kay Albert, huhubaran sa pelikula si Joyce ni Marcus Madrigal. Marami silang torrid scenes na dalawa bukod pa sa mga eksena ni Joyce kay Albert.

Nagbabalik pelikula rito sina Jenny Roa at Ruby Moreno, kinilala rin sa larangan ng bold movies bagaman at maituturing rin na magagaling na aktres with Lester Llansang, Perla Bautista at Cloyd Robinson.
*****
Nangangailangan ang STEAMDPFI (Special Training, Employment, Advocacy and Management for Deaf Persons Foundation, Inc. na chairman si Aga Muhlach) ng isang registered in- house interpreter at isang registered social worker. Tumawag lamang sa 4106575 para sa interview sa pagitan ng ika-10 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Show comments