Padasal sa ika-100 na araw na pagkamatay ni Rico Yan
July 4, 2002 | 12:00am
Sa darating na Sabado, July 6, ay magkakaroon ng padasal para sa ika-100 na araw ng pagkamatay ni Rico Yan. Gaganapin ito sa libingan ng aktor sa Manila Memorial sa Parañaque sa ika-4 ng hapon.
Darating ang mga magulang ng aktor mula sa America bukas, July 5, para kasamang mamamahala sa naturang padasal.
Malapit nang matapos ang VCD ni Rico. Ang narrator dito ay ang ate niyang si Geraldine. Isasalaysay nito ang buhay ni Rico mula sa kamusmusan hanggang sa kanyang pagkamatay.
May karagdagang footages dito mula sa pelikulang Got 2 Believe na hindi naisali sa unang inilabas na VCD ng naturang pelikula. May tampok din itong directors cut mula sa mga pelikulang nagawa ng aktor tulad ng Kahit Isang Saglit, Gimik, The Movie at marami pang iba.(Ulat Ni Alex Datu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended