Aktor nakipag-lips to lips sa lalaki !
July 3, 2002 | 12:00am
Ayon sa aking source, namataan na pumasok sa isang mamahaling motel sa isang liblib na pook sa Kamaynilaan ang isang aktor at isang lalaki. Magdamag na nagkulong sa kwarto ang dalawa at kinabukasan ng madaling araw nang silay mag-check-out. Akala ng dalawa ay walang makakakita sa kanila kung kaya bago naghiwalay ay nag-lips-to-lips pa sila bilang pamamaalam. Hindi sabay umalis ang dalawa. Makalipas ang kinse minuto bago umalis ang ka-date ng aktor. May kanya-kanya silang kotse.
Noon pa idini-deny ng aktor na siyay bading pero mahilig siya sa mga gwapong lalaki. Ilang beses na itong nagbida sa pelikula pero ngayon pinagkakaabalahan na lang nito ang pagiging commercial model. Paminsan-minsan ay nagi-guest ito sa TV. Visible pa rin siya sa mga showbiz gatherings at magaling ang PR nito pagdating sa mga press people.
Maraming napasikat ang Seiko Films gaya nina Gretchen Barretto, Rosanna Roces at Priscilla Almeda. Ngayong nawala na sa kwadra ng kompanya sina Nini Jacinto at Brigette de Joya na kapwa nagsipag-asawa na ay may bagong pasisikatin si Robbie Tan sa katauhan ni Diana Zubiri.
Kung titingnan si Diana ay sasabihin mong napaka-demure niya pero napaka-liberated at straightforward niya. Ayaw niya sa mga taong plastic.
Maswerte nga si Diana dahil sa launching movie niya na Bakat ay de-kalibreng artista ang makakasama niya gaya nina Tommy Abuel, Ana Capri, Daria Ramirez at Rita Avila. Katambal niya si Rodel Velayo sa direksyon ni Francis "Jun" Posadas.
Balik-Seiko si Rita Avila ngayon. Inamin niya na malaki ang utang na loob niya kay Robbie Tan kaya nang ipatawag siya ng kompanya para gampanan ang papel bilang kapatid ni Rodel sa Bakat ay pumayag agad siya.
Pumayag siyang maging suporta na lang ni Diana dahil katwiran niya ay napagdaanan din niya ito.
Ano ang masasabi niya kay Diana? "Propesyonal siya at mahal ang kanyang trabaho, gayundin si Rodel. Kaya lang, hindi ko magagawa ang mga daring scenes niya. Naniniwala akong malayo ang mararating niya dahil bukod sa maganda at sexy ay desidido itong mag-aral para mahasang mabuti sa pag-arte," aniya.
Maganda ang naging talakayan noong Linggo sa Usapang Claire sa DWIZ hosted by Claire dela Fuente, tungkol sa mga bikini carwash girls. Kahit ang mga tagapakinig ay nag-phone-in sa magaling na singer para ibigay ang kani-kanilang reaksyon. Isa ang nagsabi na marangal naman ang trabahong ito pero alangan namang mag-gown pa sila habang hinuhugasan ang mga sasakyan. Pero mas nakakaraming kalalakihan ang nagsabing hindi sila pabor dito.
"Ini-exploit nila ang mga kababaihan dahil nakabilad ang kanilang kaseksihan at napapanood pa ng mga kalalakihan lalo na doon sa mga nagpapalinis ng sasakyan," ani Claire.
Pero para sa amin na bahagi rin ng programa (tuwing Martes at Huwebes) ay sinabi kong mahilig manggaya ang mga Pinoy at bukas-makalawa ay baka hindi lang sa Cebu mauuso ang carwash girls sa nakakatuksong kasuotan kundi gayundin sa ibang bahagi ng kapuluan.
"Baka lalong dumami ang kaso ng rape," sey pa ni Claire.
Dahil sa dami ng tagasubaybay ng programa ay magiging araw-araw na ang Usapang Claire na ang layunin ay mabigyan ng tinig lalo na ang mga kababaihan.
Ang ibat ibang segment ng makabuluhang programa ay ang mga sumusunod: "Minsan Noong Araw" (trivia/nostalgia); "Ano Naman Ngayon, Mare" (news analysis & current affairs); "Kumusta ang Pamimili, Mga Misis" (consumer education & rights); "Pasyalan at Sakayan" (environment/local tourism/transport); "Ihip Lang Po" (values/human relations/domestic problems) at "Mamumuhunan ng Sikap at Tiyaga" (entrepreneurship & livelihood).
Sa aming segment na "Ihip Lang Po" ay maaaring lumiham o kayay makipag-phone patch sa amin ni Claire tungkol sa problema na kinakaharap nila. Itoy sa pamamaraan ng counseling kung saan ibat ibang alternatibo ang ibinibigay namin para sa ikalulutas ng problema.
Ang Usapang Claire ay mapapakinggan araw-araw sa 60-KW station DWIZ mula Lunes hanggang Biyernes, 12 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon.
Noon pa idini-deny ng aktor na siyay bading pero mahilig siya sa mga gwapong lalaki. Ilang beses na itong nagbida sa pelikula pero ngayon pinagkakaabalahan na lang nito ang pagiging commercial model. Paminsan-minsan ay nagi-guest ito sa TV. Visible pa rin siya sa mga showbiz gatherings at magaling ang PR nito pagdating sa mga press people.
Kung titingnan si Diana ay sasabihin mong napaka-demure niya pero napaka-liberated at straightforward niya. Ayaw niya sa mga taong plastic.
Maswerte nga si Diana dahil sa launching movie niya na Bakat ay de-kalibreng artista ang makakasama niya gaya nina Tommy Abuel, Ana Capri, Daria Ramirez at Rita Avila. Katambal niya si Rodel Velayo sa direksyon ni Francis "Jun" Posadas.
Pumayag siyang maging suporta na lang ni Diana dahil katwiran niya ay napagdaanan din niya ito.
Ano ang masasabi niya kay Diana? "Propesyonal siya at mahal ang kanyang trabaho, gayundin si Rodel. Kaya lang, hindi ko magagawa ang mga daring scenes niya. Naniniwala akong malayo ang mararating niya dahil bukod sa maganda at sexy ay desidido itong mag-aral para mahasang mabuti sa pag-arte," aniya.
"Ini-exploit nila ang mga kababaihan dahil nakabilad ang kanilang kaseksihan at napapanood pa ng mga kalalakihan lalo na doon sa mga nagpapalinis ng sasakyan," ani Claire.
Pero para sa amin na bahagi rin ng programa (tuwing Martes at Huwebes) ay sinabi kong mahilig manggaya ang mga Pinoy at bukas-makalawa ay baka hindi lang sa Cebu mauuso ang carwash girls sa nakakatuksong kasuotan kundi gayundin sa ibang bahagi ng kapuluan.
"Baka lalong dumami ang kaso ng rape," sey pa ni Claire.
Dahil sa dami ng tagasubaybay ng programa ay magiging araw-araw na ang Usapang Claire na ang layunin ay mabigyan ng tinig lalo na ang mga kababaihan.
Ang ibat ibang segment ng makabuluhang programa ay ang mga sumusunod: "Minsan Noong Araw" (trivia/nostalgia); "Ano Naman Ngayon, Mare" (news analysis & current affairs); "Kumusta ang Pamimili, Mga Misis" (consumer education & rights); "Pasyalan at Sakayan" (environment/local tourism/transport); "Ihip Lang Po" (values/human relations/domestic problems) at "Mamumuhunan ng Sikap at Tiyaga" (entrepreneurship & livelihood).
Sa aming segment na "Ihip Lang Po" ay maaaring lumiham o kayay makipag-phone patch sa amin ni Claire tungkol sa problema na kinakaharap nila. Itoy sa pamamaraan ng counseling kung saan ibat ibang alternatibo ang ibinibigay namin para sa ikalulutas ng problema.
Ang Usapang Claire ay mapapakinggan araw-araw sa 60-KW station DWIZ mula Lunes hanggang Biyernes, 12 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended