^

PSN Showbiz

Camille Pratts, role model din

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Ang saya ng ambience no’ng Sunday sa Entertainment Center ng SM North EDSA dahil sa back-to-school ng Harvard USA. Bongga ang show dahil dagsa ang performer na kinabibilangan nina Baron Geisler, Dennis Trillo, Matet de Leon, Alwyn Uytingco, Bea Alonzo, Selina Sevilla at ang Streetboys. At siyempre, ang napakahusay ng hosting job ni Gary Lim na talaga namang tawa kami nang tawa. Hataw ang bawat performers dahil na rin sa nakita nilang magandang pagtanggap ng audience sa kanila.

Kilig ang mga song numbers nina Baron at Matet. Aware pa pala ang tao na minsan ding na-link ang dalawa. Na-in love naman ang mga kababaihan at kaba-dingan kay Dennis na kumanta rin ng dalawang songs. His parents Leslie and Rita were present para panoorin ang kanilang anak. Hindi naman puwedeng tawaran ang husay ni Alwyn Uytingco sa pagsayaw. Talagang ngayon pa lang ay nagpapakita na ng promise itong si Bea dahil mahusay din pala siyang kumanta just like Dennis.

Bukod sa show, nagkaroon ng fashion show sina Meg Reyes, Ethan Javier, Aaron Concepcion, Dianne Tejada, Nikki Laurel at Pascal Greco para i-present ang latest collection ng Harvard USA.

Kikay talaga as a performer itong si Selina. Paborito siya ng crowd dahil sa kaseksihan ng mga song numbers niya. At siyempre, ang Streetboys na umani ng malakas na hiyawan sa fans.

Iniimbita naman ng Cinderella sina Baron, Bea at Dennis para bisitahin ang kanilang shop kung saan may outlet ang Harvard.

Present ang Harvard USA owners na sina Richard at Carol Chuateco. Happy sila sa nakita nilang pagtanggap ng public sa kanilang apparel.
* * *
Mula nang i-announce namin sa kolum na ito ang tungkol sa birthday special ni Claudine Barretto na gaganapin sa July 19 sa Folk Arts Theater, inulan na kami ng e-mails at tawag kung saan makakakuha ng tickets. Na-announce kasi ng kaibigang Ogie Diaz at Winnie Cordero sa programa ni Ate Ludz sa DZMM na may tickets na makukuha sa ABS-CBN Talent Center. Actually, open ito sa public. Meaning, free admission. Ang lahat ay maaaring pumunta at manood. ’Yung tickets na available sa Talent Center are those na unang prints. But I suggest na pumunta na lang kayo sa Folk Arts ng maaga (lalo na ’yung manggagaling sa malayong lugar) para makasiguro kayo ng magandang seats.

Speaking of Claudine’s birthday special, dumadami pa ang line-up of guests dito. Maraming sikat na artista ang gustong makisaya sa celebration ni Claudine. In the next days, isusulat namin ang mga bago pang developments.

At para masiguro na bongga ang birthday special, isang bonggang presscon ang nakatakda bukas para sa said birthday special. After sa nangyaring trahedya sa buhay ni Claudine, ito ang unang pagkakataon na haharap sa press ang aktres. Ito rin ang way niya para pasalamatan ang lahat ng movie press na dumamay sa kanya sa panahon na hirap na hirap ang kanyang damdamin.
* * *
Sa Sunday, July 7, nakatakdang mag-oathtaking si Camille Pratts bilang national president ng Happy Savers Club ng Banco Filipino na gaganapin sa PSC-Ultra. Si Camille ang hinirang bilang pangulo ng may halos ilang milyong members ng HSC sa buong Pilipinas.

Para sa akin, deserving si Camille sa kanyang position. Bukod sa magandang imahe ng teen actress, may maganda rin itong disposisyon sa buhay. Kung pagiging mabuting anak naman ang pag-uusapan, walang duda na napakabuti niya sa kanyang mga magulang. Isa rin siyang mabuting mag-aaral ng Distance Learning Center at sikat na artista ng ABS-CBN Talent Center.

Bukod sa pagiging national prexy, si Camille din ang endorser ng Banco Filipino ng ilang taon na.

Sa kanyang oath-taking, she will be supported by the executives of Banco Filipino, family, friends, fans at ang milyong members ng HSC.
* * *
For your comments and feedback, you can reach me at ericjohnsalut@yahoo. com

vuukle comment

AARON CONCEPCION

ALWYN UYTINGCO

ATE LUDZ

BANCO FILIPINO

BARON GEISLER

BUKOD

CENTER

PARA

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with