^

PSN Showbiz

Tapos na ang unos sa buhay ni Claudine

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
>Straight Talk ang natiyempuhan naming palabas sa ANC nung Miyerkules ng hapon, iniinterbyu ni Cito Beltran si Claudine Barretto, na pagkatapos ng unos sa kanyang buhay ay mas umaliwalas at gumanda ngayon ang itsura.

Walang gaanong kolorete sa mukha ang dalaga, halatang pulbos at lipstick lang ang armas niya, pero lutang na lutang ang ganda ni Claudine.

Mas umangat ang ganda ng batang aktres kapag sumasagot na siya sa mga tanong, mga biglang tanong na itine-text ng manonood sa Straight Talk, na nasasagot nang mabilisan at marespeto ng dalaga.

Sa ganu’ng mga pagkakataon, nagkakabistuhan kung matalino ba o walang gaanong laman ang utak ng isang tao, sa pagsagot sa mga tanong na biglaan at hindi planado, at sa aming panukat ay nalusutan nang maayos ni Claudine ang lahat ng katanungang ibinato sa kanya.

Halos lahat ng tanong ay puro personal, tulad ng kung saan ba siya nagpapa-derma dahil ang kinis daw ng kanyang kutis, kung anong pabango ba ang kanyang ginagamit at kung saan siya nagsa-shopping.

May mga tanong din tungkol kina Mark Anthony Fernandez, (kung may pag-asa pa bang magkabalikan sila ng aktor?). Raymart Santiago (kung mag-on na ba sila, na sinagot naman ni Claudine ng hindi pa), at sa namayapang aktor na si Rico Yan (na lagi niyang ipinagdarasal, sabi ni Claudine).

Ang ganda ng tanungan at sagutan nina Cito at Claudine, parang sumasagot ng slum book ang dalaga sa mga interesanteng personal na tanong ng manonood, dahil kadalasan ay puro intriga nga naman ang tinututukan kapag nagiging panauhin sa ibang programa ang young actress.

Malaman ang panayam kay Claudine, sa loob lang ng isang oras ay ang dami-daming impormasyon na nalaman ang publiko tungkol sa kanya.

At totoo ang obserbasyon ng televiewers, mas gumanda ngayon si Claudine, maaliwalas ang kanyang aura, senyal na nakalampas na siya sa matinding trahedyang dumating sa kanyang buhay.
* * *
Binago na pala ang titulo ng seryeng pinagbibidahan ni Claudine sa Dos, ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan, dahil Walang Hanggan na lang ang titulong ginagamit nito ngayon.

Marami tuloy ang nagtatanong sa amin kung bakit, masyado raw kayang nahahabaan ang istasyon sa titulo ng serye, o may ibang plano ang network para sa serye ni Claudine?

Kung haba at igsi ng titulo ang pag-uusapan ay napakababaw na katwiran, dahil ilang taon nang tumatakbo ang serye na ganu’n na kahaba ang titulo nito, kaya may mas malalim na dahilan kung bakit inigsian ang titulo ng nasabing soap opera.

Ang totoo ay may humahabol sa ABS-CBN dahil sa paggamit ng mga titulo ng kanta para sa kanilang mga programa, apat na milyon ang sinisingil sa istasyon para sa mga titulong Maala-ala Mo Kaya, Pangako Sa ‘Yo at Sa Dulo Ng Walang Hanggan.

May TRO (temporary restraining order) na pinalabas ang korte tungkol sa kaso, kaya habang may TRO ay hindi maaaring gamitin ang mga titulong pinagtatalunan.

Ang Maala-ala Mo Kaya ay ginawa munang Maala-ala, ang Pangako Sa ‘Yo ay naging Pangako Sa Iyo, at ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan ay ginawa munang Walang Hanggan.

Pero habang sinusulat namin ang kolum na ito ay nakarating sa amin ang impormasyon na tapos na ang bisa ng TRO, maaari na uling gamitin ang tatlong titulong hinahabol sa Dos, ang hindi malinaw sa amin ay kung magkano ang babayaran ng ABS-CBN sa problemang kinasangkutan ng istasyon.

ANG MAALA

CLAUDINE

KUNG

MO KAYA

PANGAKO SA

SA DULO NG WALANG HANGGAN

STRAIGHT TALK

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with