Gusto ni Sharon na ang next project na gagawin niya sa Viva ay si Direk Joel Lamangan pa rin ang kanyang maging direktor.
Sa pagbabalik ng mag-asawang Mikey at Angela Montenegro-Arroyo galing sa kanilang honeymoon sa Amerika, agad nitong sisimulan ang kanyang first project sa Viva na comedy ang tema. Dito ay makakasama niya sina Andrew E., ang Salbakuta at ang sexy star na si Rufa Mae Quinto na pamamahalaan ni Al Tantay.
Natutuwa ang panganay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa opportunity na ibinigay sa kanya ng big boss ng Viva Group of Companies na si G. Vic del Rosario, Jr.
This early ay excited na si Mikey sa first project niya sa Viva dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama niya sa pelikula ang mga hinahangaan niyang sina Andrew E., Rufa Mae at ang sikat na rap-group, ang Salbakuta.
Although hindi pa sinisimulan ni Mikey ang kanyang first movie sa Viva, hindi naman kaya dumating ang pagkakataon na pagselosan ng kanyang brand new wife na si Angela ang seksing si Rufa Mae?
Naging malaking tagumpay ang first team-up nina Daboy (Rudy) at Ara sa pelikulang Palaban na dinirek ni Toto Natividad. Naging successful din ang unang tandem nina Daboy at Direk Boy na nangyari naman sa pelikulang Birador in 1998 na nakapaghatid din sa kanya ng Best Actor trophy mula sa Film Academy Awards.
Sa pelikulang Diskarte, pinagsama ni Daboy ang dalawa niyang alas na sina Ara at Direk Boy kaya ang resulta ay box office success at ang pagkakapanalo ni Daboy ng best actor award sa nakaraang Manila Film Festival.
Sa pagkakapanalo niya, nadagdagan ang kanyang anim na naunang best actor trophies Waway (1984) mula sa FAMAS, FAR at Star Awards, Victor Corpuz (1987) mula sa FAMAS, ang Sandakot na Bala (1998) from CMMA Awards at ang Birador in 1998 mula sa FAP.
Ang maganda kay Daboy, hindi niya nakalimutang ibahagi ang kanyang trophy sa kanyang best pal (at producer ng Maverick Films) na si Jinggoy Estrada na kasalukuyan pa ring naka-confine sa Makati Medical Center.
Although hindi naging maganda ang unang impression ni Juday sa kanya, agad itong nabawi ni Cogie nang magkausap sila nang masinsinan. Since then, naging magiliw na umano sa kanya si Juday at binigyan pa umano siya ng towelette at madalas siyang bigyan ng pagkain.
Si Cogie ay isa sa mga young actors natin sa kasalukuyan na may ibubuga pagdating sa acting.
May kinalaman kaya ito sa inihaing pagpawalang-bisa ng kasal nila ng kanyang mister na si Parañaque Mayor Joey Marquez?
Tanggap na ni Ness (Alma) na malabo nang magkabalikan pa sila ng kanyang mister.