May nagsyete rin sa amin na naniniwala ang kasamahan niyang aktres na nagi-ecstasy ang young actress dahil minsan ay nakasama niya ito sa isang dressing room. Tingin nang tingin ang senior actress sa young star dahil habang nagba-blush-on ito ay talagang nanginginig ang kamay. Hindi naman gaanong malamig sa kuwarto.
Puno ng kontrobersya ang buhay ng sikat na young actress na ito na bida sa isang soap opera.
Samantala, enjoy si Angelika sa bagong kabanata ng ILAM bilang kapareha ni Mark Anthony Fernandez. Maswerte nga ito dahil puro magagaling ang mga artistang kasama niya. Naiba ang role na ginampanan nito bilang isang babaeng nagkaroon ng amnesia kaya napahiwalay sa magulang at nobyo.
Nawala na sa eksena si Sherwin Ordoñez at nalulungkot nga ito (Sherwin) dahil hindi na niya makikita nang madalas si Angelika. Itinuwid ng aktres ang balitang nanliligaw sa kanya ang binata dahil para lang magkapatid ang turing nila sa isat isa. Isa pa, malaki ang respeto ni Sherwin sa aktres dahil kapag may problema ay si Angelika ang kanyang nasasandalan.
Sa said movie ay asawa ni Victor Neri si Alma pero ang minamahal nito ay si Michelle. Malaki ang pasasalamat ng dalawa at muli silang nagkita at nagkasama sa pelikula.
Tinitiyak ni Ness na magiging matagumpay na artista si Michelle dahil napaka-propesyonal nito at dedicated pa sa kanyang trabaho. Isa pa may talino ito sa pag-arte dahil nagmula sa angkan ng magagaling na artista.
Ang kanyang ka-live-in ngayon ay isang estudyante na 21 years old. Sa rami ng kanyang commitment ngayon ay halos wala na itong pahinga. Nagtataka ito kung bakit marami pa rin ang kumukuha sa kanya kahit iniintrigang unpropesyonal siya. Tapos na ang syuting ng Prosti at balik-tambalan uli sila ni Joyce Jimenez sa Paraisong Parisukat.
Sa kabilang banda, saludo ang actor kay Alma Moreno. First time niyang gumanap ng martir na asawa ni Michelle Quizon.
Inamin din ni Jay na bata pa siya ay crush na niya si Alma. Lalo siyang humanga sa aktres nang magkasama sa pelikula dahil very professional ito at walang ere.
May offer kay Vina para maging kontrabida sa isang soap opera pero hindi niya tinanggap dahil never niyang inisip na siyay magiging malupit kahit sa telebisyon. Kung ang ibay nag-shift na sa pagiging kontrabida ay hindi si Vina dahil pambida ang gusto niyang role na gampanan.
Aware rin ang magaling na singer-actress na nanlalamig ang mga tagahanga kapag naging kontrabida na ang isang artista na iniidolo nila.