Ang pelikula na pinamagatang Left Behind ay nabili ng USMAPHIL Foundation, Inc. sa film market sa abroad at isang adaption ng isang napakamabiling libro na sinulat nina LaHaye and Jenkins at nagtatampok kina Kirk Cameron, Chelsea Noble, Clarence Gilyard, Brad Johnson, Gordon Currie, Janaya Stephens, Colin Fox sa direksyon ni Victor Sarin. Prodyus ito ng Cloud Ten Pictures at Namesake Entertainment.
Isa itong religious film na nagpapakita ng Gospel of Christ in an entertaining way. Puno ito ng suspense at action.
Sa isang iglap maraming tao ang bigla na lang mawawala sa mundo. Ang tanging bakas na naiiwan nila ay mga nagkalat nilang damit, wedding ring, salamin, at mga sapatos. Nagkaroon ng kaguluhan, ang mga sasakyan ay bigla na lang nawawalan ng kontrol at magkakabanggaan. Kabi-kabila ang sunog na nag-iiwan ng histerya sa mga tao na hindi batid kung ano ang nagaganap. Ito ang rapture na ayon sa Bibliya ay hudyat ng pagwawakas ng mundo.
Isang airline pilot si Rayford Steele (Brad Johnson) na ang trabaho ay madalas magpahiwalay sa kanya at sa kanyang pamilya. Dahil dito ginugol ng kanyang asawa ang panahon nito sa simbahan. Siya naman ay natututong mambabae. Nasa kasagsagan siya ng kanyang affair sa isang flight attendant nang maganap ang rapture.
Ang ambisyosong si Cameron Williams (Kirk Cameron) ay nag-iinterview ng isang henyong doktor nang biglang magkaroon ng sorpresang air attack na sumabog sa mid air pero hindi puminsala ni bahagya man sa Israel.
Sina Rayford at Cameron ang magtatangkang bigyan ng linaw ang mga kaganapan.
Ang TRO ay nag-uutos sa ABS-CBN ng hindi paggamit ng mga awiting "Pangako Sa Yo", "Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan", "Maalaala Mo Kaya" at "Iingatan Ka" o ang mga lyrics ng mga nasabing awitin bilang titulo sa mga palabas ng nasabing network hanggat di pa naaaprubahan ang application or motion for the issuance of a writ of preliminary injunction o hanggat wala pang pahintulot ang korte.
Nag-file ng copyright infringement ang FILSCAP laban sa ABS-CBN nung Hunyo 20, 2002 dahil sa hindi nito pagbabayad ng royalties sa mga myembro ng FILSCAP para sa paggamit nila ng mga awitin nito.
Kinakatawan ng FILSCAP ang public performance rights ng halos lahat ng mga Filipino music composers gaya nina Ryan Cayabyab, Louie Ocampo, Vehnee Saturno, Willy Cruz, Freddie Aguilar, George Canseco, Rey Valera, Marizen Soriano at ang nasirang si Constancio de Guzman. Ang huling apat na nabanggit na kompositor ang gumawa ng mga awitin na binigyan ng TRO.
Kasalukuyang pinamumunuan ang FILSCAP ni George Canseco bilang chairman at Nonoy Tan bilang pangulo. Ang kaso ay hawak ng Ortega, Del Castillo, Bacorro, Odulio, Calma & Carbonell Law Offices at ng legal counsel ng FILSCAP na si Atty. Halina Mira.