Gary V., may duet sa apat na divas

Hindi rin nagpahuli si Gary Valenciano sa nauuso ngayong pakikipag-duet sa mga kapwa niya singer. Sa kanyang album na "One2One", may dweto siya sa apat na divas – Pop Diva Kuh Ledesma, Divine Diva Zsazsa Padilla, Song Goddess Lani Misalucha at Megastar Sharon Cuneta.

Sa kabila ng kaabalahan ng apat na divas at kahit magkakaiba ang kanilang record companies –Viva Records para kina Zsazsa at Lani, BMG Pilipinas para kay Sharon at Bravo Records kay Kuh, naglaan sila ng oras para sa kanilang dweto kay Gary V sa Viva Records.

"A Long And Lasting Love" ang na-assign kay Kuh, ""Kung Mawawala Ka" kay Zsazsa, "Things Are Not The Same" kay Lani at "Somewhere Somehow" kay Sharon.

Ang iba pang cuts sa album ay ang carrier single na "Can We Just Stop and Talk A while", "Always", "Gusto Kita", "Hourglass", "Ikaw Lang Pala", "Histopria de un Amor (a duet with his mom), "It’s Okay" at "Man I Am".

Show comments