18 magkakapatid sina Aleck Bovick

Hindi lamang naman pala ang kanyang ama na si Engr. Tambis ang naka-reconcile ni Aleck Bovick, ang bagong bold star na inilulunsad sa pelikulang kasalukuyang ipinalalabas ngayon, ang Tampisaw ng Tri-Vision Films.

Nagkita-kita rin silang 18 magkakapatid sa bahay ng kanyang kapatid na si Cristina kamakailan. Nagulat pa si Aleck nang malaman na ganun pala sila karaming magkakapatid at ito ay sa mother side pa lamang niya. Maging ang kapatid niyang si Anthony na inampon nung maliit pa ito at matagal na rin niyang pinaghahanap ay biglang nag-email sa kanya. Nakabuti rin naman ang ginawang pag-aartista ni Aleck dahil nagkakila-kilala sila. Ang baguhang singer na si Malik ay isa pala niyang pamangkin, anak ng isa niyang kapatid.

Samantala, maganda na ang takbo ng buhay ni Maria Teresa Bovick Aleck Tambis a.k.a. Aleck Bovick. Magiging kumpleto ito kapag tinanggap siya ng manonood at tagasubaybay ng pelikulang Pilipino sa kanyang pelikulang Tampisaw.
*****
Ngayong ika-7:00 ng gabi, sa Olongapo Convention Center,Jolina Magdangal takes centerstage para sa isang fundraising concert billed as A Special Night With Jolina.

First time ito na makikita ng kanyang mga fans sa Olongapo na mag-perform si Jolina at ito ay binigyang katuparan ng C.One Entertainment Philippines sa pakikipagtulungan ng Subic International Hotel.

Makakasama ni Jolina sa show sina Kyla at ang homegrown Olongapo talent na si Marc Benedict at ang Rebirth Band.

Ang kikitain sa concert ay pupunta sa Feeding Program ng Oasis of Love Foundation at Olongapo Center for Assistance and Rehabilitation Empowerment (OCARE).

Sponsor ang Jollibee, Ulo Ng Gapo, Chowking and Greenwich Olongapo, Crown Peak, Suncrest, Chokies at DWOK-FM. For inquiries, tumawag kay Odette Aguilar sa 2432222 to 33.
*****
Ratsada ang mga Primeline artist ngayong buwan ng pasukan.

Si Karylle, bukod sa promo ng kanyang album na "Karylle: Time To Shine" ay co-host ng SOP ng GMA7. Siya rin ang kumanta ng theme song ng teleseryeng Kung Mawawala Ka, isang komposisyon ni Ogie Alcasid.

Abala rin si Jed Madala matapos siyang mag-guest sa OnStage concert ni Lani Misalucha.

Mabenta rin ang Tropical Forest at sina Radha, Aliya Parcs at Prime Councilo Band.

Isa sa pinaka-fresh na mukha na nakita ko sa showbiz ay ang magaling ding artista na si Nancy Castiglione. Kasama siya sa Kahit Kailan ng GMA at napapanood tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng SOP.

Bukod sa mga print ads at TV commercials, maraming imbitasyon na pinupuntahan si Nancy.

Ang pinaka-malaking achievement niya ay ang best supporting actress nomination niya mula sa Manila Film Festival para sa pelikulang I Think I’m In Love.
*****
Kahit tag-ulan na at balak n’yo pa ring mag-swimming, ideal ang 8 Waves sa San Rafael, Baliuag, Bulacan. Isa ito sa pinaka-bago at pinaka-malinis na resort na mapupuntahan n’yo. Medyo may kamahalan nga lamang ang entrance (250 sa adult at 200 sa children) pero sulit naman dahil maraming amenities sa loob na wala ng bayad. Pero pinaka-come on ng lugar ay ang swimming pool na parang beach ang effect dahilan sa mga alon nito na lumalaki habang nagtatagal. Mayroon din itong olympic pool, bubble pool, jacuzzi pool at dalawang children’s pool.

Parang stateside ang resort dahil may mga activities na nagaganap sa loob. Gaya ng ballroom dancing, iba’t ibang pakontes, KTV singing. May mga nagku-conduct nito sa loob kaya ang gagawin mo lang ay sumali at manalo ng mga premyo. O you can just watch the program na nakahanda para sa araw na naroon ka.

Go ka dun at savor the experience. Sigurado ako, magi-enjoy ka.

Show comments