Silver anniversary ni Mega

Isang dalawang gabing konsyerto ang magaganap sa Araneta Coliseum sa Agosto 16 at 17 bilang pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ni Sharon Cuneta sa industriya.

Pinamagatang The Mega Event, ito ay isang joint production ng Artist House at ABS-CBN. Muli, ipamamalas ni Mega ang kanyang husay sa pag-awit kasama ang 62-piece San Miguel Philharmonic Orchestra. Panauhin niya sina Martin Nievera, Louie Ocampo at marami pang ibang surprise guests. Concert/TV director si Johnny Manahan at musical director si Ryan Cayabyab.

Dalawampu’t limang taon na ang nakakaraan nang sumulpot si Sharon at inawit ang kantang "Tawag Ng Pag-ibig". Sinundan ito ng mga hit albums na "DJ’s Pet", "For Broken Hearts Only", "Sharon Sings Valera", "Sharon Movie Themes", "Si Sharon At Si Canseco", "Kapantay Ay Langit" at "All I Ever Want". Sa mga album na ito nagmula ang mga hit songs na "Mr DJ", "High School Life", "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko", "Santo Niño", "Kahit Konting Pagtingin","Ikaw", "Sana’y Wala Ng Wakas", "Tubig At Langis", "Both Sides Now" at ang latest niyang "Where’s The Good In Goodbye".

Nabansagan siyang Megastar dahil sa mahusay niyang pagganap sa mga pelikulang Dear Heart, My Only Love, PS I Love You, Forgive And Forget, Cross My Heart Friends In Love, To Love Again at ang mga mature at offbeat movies niyang Dapat Ka Bang Mahalin, Bukas Luluhod Ang Mga Tala, Sa Hirap At Ginhawa, Bituing Walang Ningning, Pati Ba Pintig Ng Puso, Kailan Sasabihing Mahal Kita, Sana’y Wala Ng Wakas, Nakagapos Na Puso, Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin at iba pa. Nakapareha na niya ang mga pinakamagagaling na mga aktor sa bansa gaya nina Christopher de Leon, Rowell Santiago, Gabby Concepcion, Edu Manzano,Tonton Gutierrez, Ricky Davao, Richard Gomez, Eric Quizon, Ariel Rivera, Cesar Montano, Bong Revilla, Rudy Fernandez, Robin Padilla at Fernando Poe, Jr.

Sharon, aside from being a very good actress, is also recipient of various awards both as recording artist, TV/movie star and TV host. She has countless of Gold and Platinum awards. May Grand Slam siya bilang Best Actress para sa pelikulang Madrasta.

Five years ago na nang huling mag-major concert si Sharon, pero hindi naman siya tumigil sa pagkanta at pag-perform dito at maging sa labas ng bansa. Kamakailan ay pinuno niya ang 12, 000-seater na Hongkong Coliseum.

The Mega Event will afford Sharon the chance na magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanya all throughout her 25 years in the business.

Show comments