Tensyonado si Mikey!

Simple ngunit elegante ang naganap na kasalanan sa makasaysayang St. Augustine Parish Church sa Lubao, Pampanga nung Lunes (Hunyo 24) ng panganay na anak ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo na si Juan Miguel "Mikey" Arroyo (33) sa kanyang second cousin at London-schooled na si Ma. Angela Montenegro (28).

Eksaktong alas-10 ng umaga nagsimula ang seremonyas ng kasal.

Talagang naka-sentro ang atensyon ng lahat kina Mikey at Angela na siyang mga bida nung araw na yon.

Tuwang-tuwa ang mga taga-Lubao dahil kung hindi pa umano ginanap ang kasal nina Mikey at Angela sa Lubao, hindi pa malilinis at maaayos ang 430-year old na simbahan na talaga namang napakaganda. Lalong tumingkad ang ganda nito nang mapinturahan at malinisan ang kabuuan ng simbahan.

Since mga prominenteng tao ang naroon, red carpet ang nakalatag hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa mga daraanan ng bisita. Although kaya naman nilang pabonggahan nang husto ang ayos sa loob ng simbahan, ang simpleng adorno ng mga white roses, chrysantemums at daisies ang nakalagay sa altar at sa dinaanan ng wedding entourage.

Kapansin-pansin din ang mga nakasabit na mga bagong chandelier ng simbahan na ang sabi sa amin ay hiram lang. Nilagyan din ng carpet ang center ng altar. May dalawang temporary airconditioning units na sinet-ap para lamang sa kasal pero hindi ito nakatulong sa sobrang init sa simbahan na kinailangang isara. Dahil dito, namigay ng mga paper fans na may pangalan ng bagong kasal bilang souvenir.

Teary-eyed si Angela nang abutin ang kanyang kamay ni Mikey matapos siyang ihatid sa altar ng kanyang amang si G. Herman Montenegro. Hindi man aminin ni Mikey, tensyonado siya during the wedding ceremony habang buong lugod namang nakamasid sa kanila ang kanilang respective parents ni Angela na sina Pres. Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo ganundin sina G. at Gng. Herman Montenegro.

Suot-suot ni Angela ang napakagandang gown na gawa sa kanya ng award-winning designer na si Joe Salazar.

Dalawang set ng gown ang isinuot ni Angela at dalawang set ng barong Tagalog ang isinuot ni Mikey sa wedding at reception sa Malacañang kinagabihan.

Liban sa ibang political personalities na dumalo sa wedding ceremony sa Lubao, ang karamihan sa mga pulitiko ay sa Malacañang na tumuloy kinagabihan.

Sa simbahan ding yon bininyagan ang dating pangulong Diosdado "Dadong" Macapagal, ang ama ni Pres. GMA at lolo ni Mikey kaya very meaningful sa kanila ang okasyon na yon.

Isang temporary at napakalaking white tent ang ipinasadya para magkasya ang halos isang libong bisita sa kasal. Nilagyan din ito ng temporary aircons. Pero hindi ito nakatulong para hindi maghulas ang pawis ng mga bisita.

Since hindi yon sit-down lunch, hirap ang marami sa mga bisita dahil wala man lamang silang maupuan at magamit na mesa, pero hindi ito nakapigil sa kasayahan ng lahat.

Apaw ang pagkain catered by The Plaza at Cabalen.

Alas-7:30 ng umaga pa lamang nang kami’y dumating sa St. Augustine Parish Church at doon na kami nagkita ng ating kasamahang si Isah Red ng Manila Standard na dumating naman ng 6:30 am. Since mainit sa labas, pinayagan na kaming makapasok ng simbahan at doon na kami naghintay sa pagsisimula ng seremonyas.

There was only a handful of showbiz personalities sa loob ng simbahan, at kasama na rito si Ana Roces na kabilang sa mga secondary sponsors at sister-in-law ni Angela, ang misis ngayon ni Mikey. Namataan din namin doon sina Al Tantay, Rez Cortez, Roi Vinzon, Direk Willy Milan at ang boxing champ na si Manny Pacquiao.

After the wedding rites, muling lumabas ng simbahan ang mga bagong kasal para naman kawayan ang mga tao sa labas ng simbahan na talagang nagtiyagang maghintay sa kabila ng mainit na araw para lamang nila masilayan ang kanilang mahal na vice-governor at ang bagong misis nito.

Samantala, marami sa mga bisita sa Lubao ay tumuloy din sa cocktails kinagabihan na ginanap sa Social Hall ng Malacañang Palace. Dumalo doon ang aktor na si Luis Gonzales, ang FLT Films producer na si Mommy Rose Flaminiano kasama ang kanyang mister na si Atty. Flaminiano at dalawang anak. Namataan din namin doon sina Margie Moran-Floirendo, Mayor Charlie Cojuangco, DOT Secretary Dick Gordon at ang misis nitong si Mayor Gordon ng Olongapo.

Show comments