"For us artists, dream album yung makanta mo yung mga songs that speak of our feelings. Its like opening your heart to the people. Listening to the songs makes you feel whats inside me. Hahaha!"
Ilan pa sa songs sa album ay "Hindi Pa Pala Ikaw", "Kahapon Nagdaan Ang Bukas", "Ano Ba ang Tama?", "Nagkamali Ba Ang Puso?", "Ikaw Na Nga Kaya?", "Keep Your Feet On The Ground," "Pano Ba Yun?", "Bakit Ka Lumayo?", "Tinatanong Pa Ba Yan?" at "Bago Ang Lahat".
In line with the albums promotion, ongoing ang mall tour ni Pops. Sa Sabado, June 29 ay nasa SM North EDSA siya. July 6, SM Southmall at sa July 13 sa SM Sucat. Sponsors ng mall tour ang Disudrin, Ascorbic Acid Ceelin, Rebel Prepaid Internet Card, Ratsky, Astoria Plaza, Mix, D&G Eyewear, Fornarina and Cebe Sport Eyewear.
"Suwerte ko nga dahil inaalagaan talaga ako ng Talent Center. Kaya nga in everything I do, ginagalingan ko ang mga roles ko. Maliit man o malaki," sabi nito.
Bukod sa very promising, napakabait na anak pala nitong si Dennis. Sa bawat taong nakakausap nito ay ang pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya ang binabanggit.
"I love my family so much. Sobra ang suporta nila sa akin. My family inspires me a lot. My mom, sobrang bait niyang mommy. Lagi siyang andiyan to support me."
Well, kung ang isang artista ay tulad ni Dennis na mapagmahal sa magulang at sa mga tumutulong sa kanya, di malayong sumikat talaga ang batang ito.
Sa mga sumusubaybay sa career ni Dennis, abangan ninyo ang launch ng personal website niya next week sa abs-cbn pinoycentral.