Wala na yatang mahihiling pa ang aktres sa mga unang taon ng pagiging magnobyo nila dahil lahat ng kailangan niya ay ibinibigay nito alahas, pera, signature outfit at travel with pocket money.
Pero habang lumalaon ay nakikita ng aktres na kulang sa sex ang nobyo. Dalawang beses lang yata siyang naikama ng lover sa loob ng isang taon. Maraming beses ay gustong gantihan ng aktres ang pagiging galante ng nobyo sa pamamagitan ng pagpapaligaya dito pero tumatanggi ito.
Minsan ay talagang naimbyerna ang aktres sa nobyo nang hindi pagbigyan ang kanyang sexual urge, katwiran nito, pagod sa trabaho ang nobyo. Hindi na nakatiis ang aktres, kaya iniwan nito ang nobyo.
Ngayon ay may bagong boyfriend ang aktres na romantiko bukod pa sa pagiging edukado. Blooming ang sexy actress at in-demand pa rin sa mga pelikula.
Una siyang nakita sa Master Showman bilang isa sa mga tinutulungan ng show. Nakita siya ni Mother Lily at binigyan ng break sa pelikula.
Ang Amelie ay istorya ng isang dalagita na nagtatrabaho sa isang maliit na kapehan sa Paris. Nagkaroon ng pagbabago sa kanyang buhay nang makatuklas ito ng isang lumang kahon ng kayamanan na nakatago sa kanyang tinitirhan.
Inirerekomendang panoorin ang magandang pelikula lalo na ng mga estudyante at working women sa direksyon ni Allen Resurrection. Palabas na sa Metro Manila theaters simula ngayong araw mula sa Solar Films.