Pyar, nililigawan ng bakla!

Nakakatulong ng malaki sa career ni Pyar Mirasol ang patuloy na pagkalaban sa kanya ni Maricar de Mesa. "Noon akala ko bahagi lamang ng promo ng aming pelikula na magkasama yung mga naririnig ko na sinasabi na, I presume, ay galing sa kanyang kampo. Pero, matagal nang naipalabas yung Buko Pandan pero, hanggang ngayon nagsasalita pa rin siya. Okay lang sa akin dahil marami pa rin naman akong offers. Sana ganito rin ang epekto sa kanya para hindi siya maging bitter. Basta ako, anytime na kailanganin ng World Arts Cinema ang paglilingkod ko, nakahanda ako," aniya.

Pyar currently topbills Katawan Mo, Langit Ko ng LED Cinema na nagtatampok kay Alvin Anson sa isang mapaghamong role. Balita nga na dahil sa tindi ng mga lovescene nila ni Pyar sa movie ay iniwan siya ng kanyang asawa.

"Trabaho lang yun," ani Pyar nang malaman ang nangyari kay Alvin. "Lahat ng asawa ng artista ay dapat nakahanda na sa mga requirements ng trabaho ng kanilang mga asawa. Dapat hindi sila paapekto dahil trabaho lang ito. Kung mahina ang kanilang dibdib dapat, hindi artista ang pinakasalan nila," dagdag pa ni Pyar.

Inamin ni Pyar na sa kabila ng kanyang pagiging isang bold star ay marami siyang manliligaw. "Ang masaya pa nga may bakla pa. Ano ba, nagising ko ba ang kanyang pagkalalaki? Pero, ayaw ko muna ng commitments. Ngayon lamang nagsisimulang mamulaklak ang career ko. Ilang movies ko rin ang hindi nai-showing. At this point, I believe, makakasira sa career ko ang pag-ibig, saka na kapag stable na ako," sabi pa niya.

Habang marami sa kanyang mga kapwa bold stars ang nagpapa-augment ng kanilang mga boobs, sinabi ni Pyar na wala siyang balak na gumaya sa kanila. "Kuntento na ako sa boobs ko. Baka kapag pinalakihan ko pa ay hindi bumagay sa katawan ko. Kita n’yo naman, ang liit-liit ko. Baka magmukha akong top heavy kapag nagpa-opera pa ako. Huwag na lang," sabi niya.
*****
Samantala, kung ako kay Camille Roxas, titigilan ko na ang pagpatol sa mga usapan na hindi nakakatulong sa kanya bahagya man. Gaya nung palitan nila ng mga kataga ni Melissa Mendez. Sa halip na makatulong ito sa kanilang dalawa, ang nabibiyayaan lamang ay si JC Castro na lumalabas na pinag-aagawan pa nilang dalawa. Napaka-ganda naman niya to dwell on the past. Nainsulto ba siya dahil balitang iniwan siya ng aktor? Eh, ano? Napakaraming magagandang babae ang iniwan din ng kanilang mga asawa o boyfriend pero, di tumigil ang buhay para sa kanila.

Dapat din hindi na siya mag-comment tungkol sa naging relasyon nila ni Mike Magat. O ang relasyon nito kay Lara Morena, kung mayroon man.

Move on, Camille. Marami ka namang trabaho na sinasabing magpadaling gumamot sa isang broken heart. Gaya ng Katawan Mo, Langit Ko na kung saan ay sinasabing pinatunayan mo na may ibubuga ka rin sa akting.

Tama na ang away, it makes both you and Melissa very cheap.
*****
Samantala, mukhang totoong tinamaan si Mike Magat kay Lara Morena. Sa presscon ng kanyang latest movie para sa LED Cinema na pinamagatang Katawan Mo Langit Ko, excited ito kapag pinag-uusapan si Lara. Nagulat ang kanyang kausap nang sabihin niya na gusto niyang pakasalan ito. Nagkatinginan ang lahat, na para bang sinasabi na "Hindi ba may asawa si Mike? Si Lara ang tumayong direktor at make-up artist niya sa pictorial ng nasabing pelikula.

"Hinahangaan ko si Lara dahil napaka-talino niya. May sagot siya sa lahat pero, ang pinaka-gusto ko sa kanya ay mapagmahal siya, maasikaso.

"Tungkol naman kay Camille, hindi ko na lamang iniintindi ang mga pinagsasabi niya. Babae siya na kailangang pagpasensyahan. At iniisip ko na lamang na siguro ay may problema siya na malabis na gumugulo sa kanya," ani Mike.

Show comments