April 'Boy' Regino iniwan ang Ivory, pumunta ng Star
June 23, 2002 | 12:00am
Pumirma na ng kontrata ang Jukebox King na si April "Boy" Regino sa Star Records pagkatapos nang siyam na taong pamamalagi niya sa Ivory Records.
Naging mahirap para kay ABR ang pagdedesisyon kung saang kompanya siya lilipat, dahil puro magaganda ang pangakong ibinibigay sa kanya sa ibat ibang kompanya.
Pero mula sa mga kompanyang nagpahatid sa kanya ng interes ay naiwanan ang pamimili niya sa Viva at sa Star Records.
Sa Viva, ayon kay ABR, ay pinangakuan siya ng recording contract, bukod pa sa paglabas-labas niya sa mga programa ng Viva Television at pagsali rin sa ibang pelikula ng Viva Films.
Nakaeengganyo nga ang offer, pero naisip niya na isa lang naman sa tatlo ang gusto niyang puntiryahin at yun ay ang recording, kaya mas binigyan niya ng bigat ang offer sa kanya ng Star Records.
Umamin si April Boy na noon pa man ay pangarap na niyang maging bahagi ng pamilya ng ABS-CBN, napakalakas daw ng imbitasyon sa kanya na maging parte ng naturang istasyon, kaya isang gabing binalanse niya ang mga pangyayari ay napagdesisyunan niyang sa Star Records na pumirma.
Nakikita niya kasi ang ibinibigay na magandang promosyon ng Star Records sa kanilang mga kontratadong singers, ang maya-mayang pagpapalabas ng mga MTV at pa-contest ng kompanya para sa kanilang mga artists.
Naging saksi sa pagpirma ni ABR ng kontrata sa Star Records si Mam Charo Santos, ang pinuno ng kompanya na si Ms. Vilma Selga at iba pang mga ehekutibo ng kompanya ng plaka ng ABS-CBN.
Tiyak na magiging mabunga ang pagsasama nina April Boy at ng Star Records, dahil sa simula pa lang ay maraming ideya na silang pinagkasunduan.
Sampung kanta sa album na ilalabas ang magmumula sa makulay at malawak na utak ni April Boy, dalawa naman ang revival, at ngayon pa lang ay nagre-recording na ang Jukebox King para sa kanyang unang album sa Star Records.
Hindi madaling iwanan ang isang kompanyang unang nagtiwala sa iyo, lalo na nung mga panahong wala ka pa namang pangalan at lahat ng produksyong puntahan mo ay nagsisipagtaas lang ng kilay.
Ganun ang nangyari kay ABR nung magpapaalam na siya sa Ivory Records ni G. Tony Ocampo, hindi niya malaman ang kanyang sasabihin, dahil gusto na nga niyang lumabas sa nasabing bakuran.
Halos isang taon silang nagpilitan, gusto nang sumubok sa labas ni April Boy, pero ang gusto naman ng Ivory ay gumawa pa muna siya ng isang album bago siya lumipat sa ibang bakuran.
Hanggang sa naawa na rin siguro sa kanya si Mr. Ocampo, pinayagan na rin siya nung nakaraang Abril, pero pareho silang nalungkot sa kaganapan.
Masaya si April Boy dahil matutupad na ang kanyang pangarap na mapabilang sa pamilya ng Dos, pero hindi naman ganun kadaling talikuran ang Ivory, ang kompanyang sumugal at nagtiwala sa kanyang kakayahan nung mga panahong wala pa siyang napatutunayan.
Pansamantala mang walang ginawang album ang Jukebox King ay hindi naman siya nakalimutan ng publiko, ang mga kantang pinasikat niya ay nananatiling buhay sa isip ng tao, lalo na ang "Di Ko Kayang Tanggapin" na kung kantahin ng mga bata ay may paekis-ekis pa ng mga braso.
Magaganda kasi ang kanyang kanta, pangmasang-pangmasa, abot na abot ng mga kababayan nating nananalamin sa mga awitin ng Jukebox King na si April "Boy" Regino.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended