Ang ikakasal na nagplanong magkaroon ng tatlo hanggang apat na anak, ay magtutungo sa Amerika para sa kanilang week-long honeymoon. Bagamat buong suporta ang ibibigay ni Angela sa maraming aktibidades sa showbiz at pulitika ng kanyang magiging mister, ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtulong at pag-aasikaso sa business ng kanilang pamilya.
Para kina Mikey at Angela, ang nalalapit nilang pagtataling-puso ay masasabi nilang simple ngunit makahulugan. Marami ang hindi nakaaalam na pinakiusapan ni Mikey si Angela na magkunwaring girlfriend niya noong kasagsagan ng kanyang kampanya bilang vice-governor ng Pampanga sa nakaraang eleksyon. Ito ay sa kabila ng katotohanang silay mag-second cousin.
Makahulugan din para kay Mikey ang kasalang gaganapin sa Lubao para aniya makita ng buong Pilipinas ang kagandahan ng kanilang bayan na siya ring lupang tinubuan ng kanyang inang si Pangulong Arroyo.