Muntik na ring magbitiw si Kuya Germs sa kanyang pagiging pangulo ng Katipunan Ng Mga Artista Sa Pelikulang Pilipino At Telebisyon (KAPPT) nang hindi niya magawang pahupain ang init ng mga ulo na namagitan sa mga artista. At maski na nag-iiyak na raw siya ay hindi pa maawat-awat sa kanilang pag-aaway sina Jeffrey at Ronnie.
Nakadagdag pa sa tensyon ang muntik na pagwo-walk out ng White team na pinamumunuan nina Bong Revilla at Lani Mercado dahilan sa napaka-samang officiating.
Bagaman at maraming malalaking artista ang naglaro ng basketball, marami pa ring tanong ang naririnig tungkol sa napakarami pa ring nag-participate na hindi raw mga members ng KAPPT. Totoo ba ito Kuya Germs?
Gaya nung prinotestang varsity player ng volleyball. Bakit siya nakapaglaro in the first place? At yung driver daw ng isang sikat na action star na nagbasketball? Meron din daw doktor na kasali sa mga laro ng track & field na boyfriend lamang ng isang artista. Sino ba ang nagi-screen ng mga manlalaro? Maraming kasali sa junior basketball team ang overaged na. Dapat may age or maski na height limits ang mga kasali sa level na ito.
It seems that Kristine has had a change of heart. Pero, si Jericho ay nagsabi na whatever decision Kristine makes, he wish her good luck. Sinabi rin niya na naiintindihan niya kung sakali man na hindi siya paboran ng mga magulang ni Kristine dahil "bata pa si Kristine at takot sila sa intensity ng feelings nito para kay Jericho.
Meanhile, the moviegoers will have to judge the film sa sarili nitong merito. Ang Forevermore ay isang simpleng love story na hindi kasing bigat ng Pangako Sa Yo, ang ginagawa nilang teleserye, at hindi kasing kumplikado.
Kasama nilang dalawa na gumaganap sa istorya sina Michelle Bayle, Justin Cuyugan, John Lloyd Cruz, Nestor de Villa, Caridad Sanchez, Luz Valdez at marami pang iba sa direksyon ni John D. Lazatin.