Snooky, happy sa marriage

Pinabulaanan ni Snooky ang napabalitang umano’y paghihiwalay nila ng kanyang kabiyak na si Ricardo Cepeda. Sinabi niyang malayong mangyari iyon dahil napakaganda ng takbo ng kanilang pagsasama. Sampung taon na sila nitong nakaraang Mayo 17, 2002. At sa loob ng taong iyan ay nabiyayaan sila ng dalawang anak na babae, sina Sam or Samantha, 9 yrs. old at Sachi, 5 yrs. old na kapwa scholar ng Montessori.

"Napakabait ng asawa ko at walang bagay na di namin napagkakasunduan. Relihiyoso rin siya at member kami ng Couples for Christ. Magkasama kami sa mga lakad, pasyalan, shopping at mga social gatherings."

Ang tampuhan ay karaniwan lang sa mag-asawa ngunit madalang daw yun mangyari sa kanila. "Kung maaari ay iniiwasan namin na makapag-usap ng mga bagay na maaaring ikapikon ng sinuman sa amin o makasakit ng damdamin. Hindi rin namin nakaugalian na magdiwang ng anumang okasyon. Almost everyday is a special day for us.

"Siguro ang sinasabi nilang paghihiwalay namin ay ang paglabas sa magkaibang istasyon. Ako ay sa Kay Tagal Kitang Hinintay ng Dos at si Ricardo naman ay sa Kahit Kailan ng Siyete. Mayroon pang isang soap opera na nakahanda ang Dos, di ko pa pwedeng banggitin kung ano iyon. Kasama pa rin ako dun.

"Sana naman ay kausapin muna nila ako bago sila magbalita ng ganoon. Nagkakaroon kasi ng epekto sa mga anak ko," pagtatapos ni Snooky. Luz Candaba

Show comments