"Wala na kaming problema ng father ko. Nagkaayos na kami nung debut ko na ibinigay para sa akin ng aking producer na si Atty. Manalo. Nagkaroon din ng kaguluhan sa shooting ng movie kaya pansamantala itong naudlot pero sandali lamang ito. Naayos din agad. Ang dapat naming gawin ng father ko ay i-work out ang aming relasyon para kami magkalapit bilang mag-ama," ani Aleck during the presscon of the film.
Kinunan ang Tampisaw sa bayan ng Ilocos Norte, sa Burgos, Pagudpud at Pasuquin pati na rin sa Callao Cave ng Tuguegarao. Kwento ng 3 magkakapatid, sina Aleck, Aimee Torres at Anna Capri na naghahanap ng pagmamahal sa maalat na asinan na pinagtatrabahuhan nila. Si Melissa Mendez ang kanilang ina. Sina John Apacible, Alberto de Esteban at Paolo Rivero ang mga love interes ng tatlong babae. Kasama rin nila sina Roy Alvarez, Lynn Madrigal at Pinky Amador. Direksyon ni Francis Jun Posadas.
Sa initial presentation, tampok si Marvin Agustin sa Puso Koy Muling Buksan, isang eight part presentation bilang si Joel, ang panganay na anak na nangakong magkakasama-samang muli silang magkakapatid. Nagbago ang kanilang buhay nang ang kanilang ama na ginagampanan ni Michael de Mesa ay magtrabaho sa abroad. Isinangla nila ang kanilang bahay para makaalis ang ama ng tahanan pero, nawalan sila ng contact dito. Napilitan ang panganay na maging bread winner ng pamilya.
Naka-cast din sina Amy Austria, Pen Medina, Danilo Barrios, Paula Peralejo, Trina Zuñiga at Emman Abeleda.
Suporta sina Nikka Valencia, Richard Quan, Rayver Cruz, Jet Paz, Nina de Sagun at Julio Pacheco.
Ang Tanging Yaman, The Series ay maghahandog lamang ng mga istoryang pam-pamilya. Bawat serye ay tatakbo ng walong linggo at ididirek ng ibat ibang direktor at tatampukan ng ibat ibang artista.