^

PSN Showbiz

Ama ni Aleck Bovick tuloy ang demanda

- Veronica R. Samio -
Kay Atty. Gaudioso Manalo, isa sa mga producer ng Tri Vision Films na rin nanggaling na tuloy pa rin ang demanda sa kanila ni Engineer Tambis, ang ama ni Aleck Bovick, ang aktres na kanilang ilulunsad into stardom via the movie Tampisaw na nakatakdang mapanood sa Hulyo 3. Matatandaan na nagawang pigilin ng ama ng seksing baguhan ang pagpapalabas ng unang pelikula ng kanyang anak dahil sa isa pa itong menor de edad at wala pang karapatang magpasya para sa kanyang sarili. Pero ngayong disiotso anyos na ito ay naniniwala ang mga prodyuser ng Tampisaw na wala nang maipupuntos sa kanila ang ama ni Aleck dahilan nga sa nasa edad na ito at may karapatan nang magdesisyon para sa kanyang sarili.

"Wala na kaming problema ng father ko. Nagkaayos na kami nung debut ko na ibinigay para sa akin ng aking producer na si Atty. Manalo. Nagkaroon din ng kaguluhan sa shooting ng movie kaya pansamantala itong naudlot pero sandali lamang ito. Naayos din agad. Ang dapat naming gawin ng father ko ay i-work out ang aming relasyon para kami magkalapit bilang mag-ama," ani Aleck during the presscon of the film.

Kinunan ang Tampisaw sa bayan ng Ilocos Norte, sa Burgos, Pagudpud at Pasuquin pati na rin sa Callao Cave ng Tuguegarao. Kwento ng 3 magkakapatid, sina Aleck, Aimee Torres at Anna Capri na naghahanap ng pagmamahal sa maalat na asinan na pinagtatrabahuhan nila. Si Melissa Mendez ang kanilang ina. Sina John Apacible, Alberto de Esteban at Paolo Rivero ang mga love interes ng tatlong babae. Kasama rin nila sina Roy Alvarez, Lynn Madrigal at Pinky Amador. Direksyon ni Francis Jun Posadas.
*****
Matapos itong maging isang boxoffice hit movie, ginawang isang serye sa TV ang Tanging Yaman, The Series, na nagsimula nang mapanood nung Sabado, Hunyo 8, 2:30 n.h. sa ABS-CBN 2.

Sa initial presentation, tampok si Marvin Agustin sa Puso Ko’y Muling Buksan, isang eight part presentation bilang si Joel, ang panganay na anak na nangakong magkakasama-samang muli silang magkakapatid. Nagbago ang kanilang buhay nang ang kanilang ama na ginagampanan ni Michael de Mesa ay magtrabaho sa abroad. Isinangla nila ang kanilang bahay para makaalis ang ama ng tahanan pero, nawalan sila ng contact dito. Napilitan ang panganay na maging bread winner ng pamilya.

Naka-cast din sina Amy Austria, Pen Medina, Danilo Barrios, Paula Peralejo, Trina Zuñiga at Emman Abeleda.

Suporta sina Nikka Valencia, Richard Quan, Rayver Cruz, Jet Paz, Nina de Sagun at Julio Pacheco.

Ang Tanging Yaman, The Series ay maghahandog lamang ng mga istoryang pam-pamilya. Bawat serye ay tatakbo ng walong linggo at ididirek ng iba’t ibang direktor at tatampukan ng iba’t ibang artista.

AIMEE TORRES

ALECK

ALECK BOVICK

AMY AUSTRIA

ANG TANGING YAMAN

ANNA CAPRI

CALLAO CAVE

DANILO BARRIOS

TAMPISAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with