Nangangarap maging mahusay na aktres

Kahit maraming sexy stars ang nagsusulputan ngayon, in demand pa rin ang beauty ni Barbara Milano sa karamihan.

Hindi rin siya nagpahuli sa kanyang mga kasabayang artista sa pelikulang Mamasan. Lumutang din ang kanyang mahusay na pagganap sa nasabing movie lalo’t sexy ang tema ng pelikula na forte niya.

Hangad ni Ms. Milano na sana ay makilala rin siyang mahusay na aktres balang araw katulad ng idolo niyang si Elizabeth Oropesa na kasama niya sa pelikulang Mamasan.

Show comments