Sino ang mas magaling, si Janice o si Gelli?

Pinag-uusapan na ngayon ang Sis sa Channel 7. Minsan sa umpukan ng mga reporter ay napag-usapan kung sino sa dalawang hosts ang mas magaling– si Gelli de Belen o si Janice?

Batay sa pagbibigay ng kanya-kanyang kuru-kuro ay mas nagugustuhan nila si Gelli dahil spontaneous ito at lively samantalang pa-demure naman si Janice. Sabi nga nila ay nahasa na sa pagiging talk show host si Gelli kaya nitong makipagsabayan kahit magaling ang mga guest at nasusundan ang daloy ng kanilang talakayan. Samantalang pangiti-ngiti lang si Janice at nagdaragdag na lang ng komento.

Malaki ang nagawa ng dalawa lalo na si Gelli para tumaas ang rating ng programa. Higit sa lahat kapag nako-close up ng kamera ay lutang ang ganda ni Gelli samantalang may katabaan naman si Janice. Kailangan niya talagang magbawas ng timbang.
Angelica J., Di Pa Rin Maghuhubad
Kung noon pa sana pumayag na mag-bold si Angelica Jones baka sikat na siya ngayon. Bukod sa maganda ay hindi retokado ang katawan nito at kutis-porselana pa ang aktres. Pero pinanindigan nito na never na maghuhubad kaya nagkasya na lang sa pakanta-kanta sa mga shows lalo na sa mga lalawigan. Katwiran ni Angelica, gusto niyang wholesome ang image.

Na-maintain ang wholesome image nito at nagbunga naman ang matagal-tagal niyang paghihintay sa mga tamang proyekto. Nagkaroon siya ng mga TV shows gaya ng Cafeteria Pinoy at semi-regular din siya sa Idol Ko si Kap. Na-impress sa kanya si Bong Revilla, Jr. at balak din siyang isama sa mga future projects nito.

Abala rin ang magandang aktres sa mga civic projects kaya naman tuluy-tuloy ang blessing nito.

Nahahasa na rin sa pagkanta ang seksing singer at umaasa din itong maging matagumpay na recording artist balang araw.
Makulay Na Koronasyon Sa Parokya
Naging matagumpay ang ginawang koronasyon ng Mother Queen 2002 na ang naging panauhing pandangal ay ang butihing Mayor ng Caloocan na si Rey Malonzo. Siya rin ang nagkorona sa nanalong kagandahan na si Gng. Ruth Cunanan kasama ang hermana mayor na si Doña Paz Chan Go.

Taun-taon ay ginagawa ang pagdiriwang alang-alang sa kapistahan ng Sacred Heart of Jesus Parish. Naging guest singers sina Joan at Aileen Papin na super galing kumanta gayundin ang nag-serenade sa mga kagandahang ginang na si Gary Cruz na protegee ni Imelda Papin.

Maipagmamalaki namin ang aming simbahan na sa tulong ng mga parishioners ay naipatayo at napakaganda ngayon. Malaki din ang naitutulong nina Doña Paz Chan Go at anak na si Eugene.
Blind Item: Magaling Sa Romansa Ang Sikat Na Aktor-Pulitiko
Isa sa mga babaeng na-link sa sikat na actor-turned politician na ito ay halos mabaliw noon at ang ending ay nagkaroon sila ng lovechild. Kiss & tell pala ang aktres na ito at naikwento sa isang kaibigang reporter kung gaano kagaling sa kama ang aktor-pulitiko. Pagdating sa foreplay ay eksperto ito kaya naman bumibilang siya ng maraming kababaihan dahil kilala siya sa pagiging palikero. Kaya naman hindi kataka-taka kung marami siyang anak sa iba’t ibang babae.

Kahit may edad na ang aktor-pulitiko ay malakas pa rin ang karisma nito sa babae at kahit di hamak na mas bata ay pumapatol sa kanya dahil malambing ito, romantiko at sex expert.

In-demand pa rin ang aktor-pulitiko sa mga TV shows kung saan mainstay siya sa isang sitcom at katatapos lang na makipag-split sa gf niyang TV host na galing sa prominenteng pamilya.

Show comments