Fifteen years na si Sunshine sa showbiz at tatlong taong gulang pa lamang siya noon nang magsimula siya bilang child actress.
Ayon sa teener, na-burn out umano siya last year kaya siya nagdesisyon na pansamantalang tumigil sa kanyang showbiz career at nagtungo siya ng Amerika kung saan siya nagbakasyon sa loob ng isang buwan. Pero na-bored siya sa Amerika kaya after one month ay nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas.
Sinabi ni Sunshine na may panahon na ayaw na niyang magtrabaho at gusto na lamang niyang mag-aral pero hinahanap naman niya ang kanyang showbiz career kapag tumitigil siya.
Hindi ikinakaila ni Sunshine na masaya siya ngayon sa takbo ng kanyang career lalupat meron siyang dalawang programang pinagkakaabalahan, ang drama soap na Kung Mawawala Ka at ang sitcom na Daboy en Da Girl na pinangungunahan nina Rudy Fernandez at Rosanna Roces plus may movie siyang gagawin with Cogie Domingo sa bakuran ng Regal Films.
Kumusta sila ni Cogie ngayon?
"Talagang barkada lang kami ni Cogie. Lumalabas din kami kasama ang iba naming friends at ayaw naming magpa-pressure sa ibang tao just because magka-loveteam kami," pahayag pa niya.
Nang tanungin naman namin si Cogie tungkol kay Sunshine, walang gatol na inamin nito sa amin na gusto umano niya ang dalaga laluna ang pagiging malambing, makulit at pagiging smart nito. Hindi rin umano niya dini-discount ang posibilidad na ma-in lab siya sa dalaga.
Alam ng mga kabataang artistang ito (tulad nina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Piolo Pascual at marami pang iba) na hindi panghabang panahon ang kanilang showbiz career. Darating din ang araw na silay pagsasawaan kaya this early ay pinaghahandaan na nila ang panahong yon.
Although quite lang si Marvin sa kanyang lovelife, patuloy namang gumaganda ang kanyang itinatag na negosyo.
Last year pa pala nag-expire ang kanyang contract sa GMA-7 at nagkataon naman na nakatanggap siya ng tawag mula sa Talent Center ng ABS-CBN at hindi niya ito pinalampas. November of last year ay isinama siya sa cast ng Munting Paraiso hanggang sa itoy palitan ng Tanging Yaman, The Series.
Ngayong nasa Dos na si Trina, nami-miss umano niya ang kanyang mga co-actors sa kabilang istasyon pero nagi-enjoy naman siya sa kanyang bagong pamilya.
Aminado si Paula na mas sikat sa kanya ang kanyang Ate Rica pero hindi umano siya nai-insecure dito. Katunayan, proud si Paula sa kanyang Ate Rica dahil sa magandang takbo ng career nito ngayon. Kasundo din ni Paula at ng kanyang pamilya ang kasintahan ni Rica na si Bernard Palanca. Hindi rin ikinakaila ni Paula na marami silang common interest ni Rica at kasama na rito ang kanilang pagkahilig sa aso, damit, music, movies, make-up at kung anu-ano pa. Ang kaibahan lang sa kanila, nagpa-sexy si Rica na hindi kayang gawin ni Paula.
Si Paula ay may non-showbiz boyfriend na si Paolo, estudyante ng Ateneo at magi-isang taon na niya itong kasintahan.
Samantala, si Paula ay isa sa cast ng eight-part mini series na pinamagatang Puso Koy Muling Buksan, unang serye sa Tanging Yaman, The Series na nagsimulang mapanood last Saturday.