Ba't ayaw maniwala ng press sa 'friendship' nina Jericho at Kristine?

Huli nang dumating sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa presscon ng kanilang pelikulang Forevermore, showing na sa 26th of this month. Nag-guest pa raw sila ng MTB na pinagtakhan ng maraming dumalong press kung bakit isinabay sa presscon ng movie nila. Tuloy maraming nainis na press, marami tuloy ang nakaalis na bago pa dumating ang dalawa sa lugar na pagdarausan ng presscon.

Of course, curious ang marami kung totoo ngang nag-split na sila. Bakit ngayon pang may movie sila. Surely makakaapekto ito ng malaki sa magiging outcome sa box-office ng movie nila. Syempre deny to death sina Jericho at Kristine. Hindi raw sila nag-split sapagkat in the first place, never silang nag-on. Ganoooooon?

Nagbalik tuloy sa alaala ng marami yung naging kaso nina Rico Yan at Claudine Barretto na break na pala ay inartehan pa ang press para lamang ma-promote ang kanilang Got 2 Believe. Nagbunga naman ang kanilang pagsisinungaling dahil, boxoffice ang movie nila.

Ganito rin humigit kumulang ang drama nina Echo at Tintin. Sa kaso nila, wala lamang silang inaamin. Ang masama pa nito may nakapag-interview sa mom ni Kristine at sinabi nito sa kanya na talagang ayaw nila kay Echo and she went on to mention yung mga hindi magagandang ugali ni Echo.

Tsk. Tsk. Tsk. Sayang dahil marami ang gustong mag-ilusyon na okey pa ang dalawa. Mga fans who are hoping to see them end up together happily ever after.

Lalo’t love story ang Forevermore na directorial debut ni John D. Lazatin from the script of Mari Lamasan and Henry King Quitain.

Going back to Echo and Kristine, it’s unfortunate na kung kailan sila may movie at saka sila nagkalabuan. Whether it’s true or not na dahilan ito sa may nakita nang bagong pag-ibig si Kristine ang kailangan sigurong tanggapin muna ng kanilang mga fans and followers. Otherwise, mamatay ang kanilang loveteam. Let us just hope na makatulong ng malaki sa Forevermore ang kanta na pinasikat ng husto ng Side A.
*****
Nasa kalahating taon pa lamang tayo pero, gumigiling na ang kamera para sa Spirit Warriors 2, ang sequel ng boxoffice movie na unang napanood sa Metro Manila Film Festival last year. It still stars the popular Streetboys who are being managed by Chito Roño, ang direktor din ng pelikula.

Unfortunately, only five of the eight member group will see action in the sequel. Sila ay sina Spencer Reyes, Jong Hilario, Vhong Navarro, Cris Cruz at si Danilo Barrios. Ang tatlo pa, sina Meynard Marcellano, Nico Manalo at Sherwin Roux ay hindi pa tapos ng kanilang stint sa Miss Saigon. Gagawan na lamang ng paraan para makunan sila ng video at mapagmukhang kasama pa rin sila sa movie.

Come to think of it, ang grupo lamang siguro ang tanging dance group na nakapag-produce ng maraming individual success. Si Spencer Reyes ay kinilala ang natatanging talino sa pag-arte maging sa labas ng bansa. Sa Singapore na kung saan ay nanalo siyang Best Actor. Si Jong Hilario ay kinikilala na ring mahusay na artista, Salamat sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya ni direktor Marilou Diaz, Danilo Barrios has become a popular matinee idol. At si Cris Cruz, siya ang kinikilalang singer ng grupo, ang pinaka-malaking factor sa pagkakaroon ng 2 album ng Streetboys. Si Vhong Navarro has surely established himself as a comedian. Well, the remaining three, yung feat nila sa Miss Saigon, speaks for itself.
*****
Obvious kung sino ang mga kumikitang pelikula sa ginaganap na MFF. Nag-blowout na agad ang Magkapatid ng Viva Films topbilled by Sharon and Judy Ann. Sa pamamayani, kita mo na agad kung anong klaseng pelikula ang hinahanap ng mga manonood.

Sumunod na nag-blowout ang Diskarte ng Maverick Films na nagtatampok kay Rudy Fernandez kasama sina Ara Mina at Karen Montelibano. Bukod sa makapigil-hiningang aksyon ni Daboy, enjoy ang manonood sa kaseksihan na ipinakikita ng dalawang artistang babae sa screen.

I’m sure isi-share din ng mga productions and stars of the other four entries ang kanilang blessings dahil sa festival na ito, walang pelikulang malulugi, lahat kikita.

Show comments