Nung June 12 ay isang taon nang namamalagi sa LA, si Ella May Saison na ang singing career ay unti-unti nang gumaganda magmula nang pumasok sa Billboard (R&B category) ang kanyang awiting "So In Love" at "Never Had A Chance". Under Kats Eye Entertainment which was later on turned over to Real Deal Records na pag-aari ni Evander Holyfield.
May bagong album si Ella May, ang "Saison: I Believe" kung saan ang awiting "Reminiscing" ang kanyang latest single at featured guest artist naman si CeCe Penistone na siyang nagpasikat ng awiting "Finally" at siya ring sumulat ng "Reminiscing".
Si Ella May ay galing sa angkan ng mga mang-aawit na kanilang namana sa kanilang yumaong ama na si Ely Saison, dating musical director sa Hotel Nikko (dating Manila Garden). Siyay ipinanganak at lumaki sa Bacolod City. Bago siya nag-solo, naging lead vocalist din siya ng grupong Artstar sa loob ng isang taon. Sa loob ng dalawang taon ay sumailalim din siya sa pangangalaga ni Wyngard Tracy. Nakapag-record din siya ng dalawang album sa ilalim ng Viva Records ang "Language of Soul" in 1994 kung saan hango ang hit song niyang "Till My Heartache Ends" at ang kanyang second album ay ang "Full of Love, Full of Soul". Naging best female performer din siya nung 1995 na iginawad sa kanya ng Katha Awards.
Ang kanyang second album sa Viva ay binili ng Kats Eye Entertainment na pag-aari ni Katrina Ponce Enrile at dinala ito sa Amerika kung saan ito ginawan ng music videos at ginastusan ng $2-M in terms of promotions and marketing.
Ngayong wala na sa Kats Eye Entertainment si Ella May, nagsisimula naman siyang makipag-deal sa Gordy Entertainment ni Barry Gordy ng Motown Records sa tulong ni Philip Gordy, pamangkin ni Barry at gusto nilang i-repackage si Ella May ala-Latin artist.
In demand si Ella May sa ibat ibang shows sa Amerika pero kapag hindi siya abala, she works part time sa Asian Panorama, isang Filipino newspaper na pag-ari ni Bong Simbulan.
Isa si Sharon sa mga in-demand na singer sa California dahil sa husay nitong kumanta.
Taong 1994 nang makarating ng Amerika si Sharon bilang isang tourist. Naging Yamaha Music Mate Visayas champion siya at isa naman siya sa grandfinals winner sa Maynila. Napasama din siya noon sa Expose Band sa loob ng dalawang taon at nakapagbiyahe siya sa ibat ibang Asian countries tulad ng Malaysia, Indonesia, Japan at Singapore. Nang mag-decide naman siyang mag-solo, naging regular performer siya sa Siete Pecados hanggang sa magdesisyon siyang makipagsapalaran sa Amerika.
Nagsimula muna siyang maging host-singer sa Maxs Restaurant sa LA at sumanib din siya doon sa isang band, ang Cool Change kung saan siya namalagi ng dalawang taon. Sa Amerika, nakatrabaho na niya sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ella May Saison at Gabby Concepcion. Nagkaroon na rin siya ng back-to-back shows with Tina Cousins, ang London-based diva na ginanap sa Hollywood. Nakatrabaho rin niya ang isa pang Filipina na si Jocelyn Enriquez ganoon din ang iba pang mga kilalang international artists tulad nina Taylor Dane, Pat Benatar at ang Berlin.
Ang kanyang album na pinamagatang "Stargazer" ay nakalabas ngayon under an independent label, ang Golden Pisces Productions.