Star Olympics 2002

Gaganapin na naman ang taunang Star Olympics na itinataguyod ng Katipunan ng Mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) sa Hunyo 15 at 22 sa PSC-Philsports Pasig. Mapapanoood ito sa TV sa Hunyo 22, 29 at Hulyo 6 sa RPN 9.

Anim ang koponan na maglalaro ngayon. Pangungunahan ito ng over-all godfather ng Star Olympics na si Fernando Poe, Jr kasama ang anim na mga team godfathers : Jinggoy at Precy Estrada (Ceelin Orange), Phillip Salvador (Samsung Silver), Rudy Fernandez at Lorna Tolentino (Cleene Blue), Bong Revilla at Lani Mercado (Surf White), Sharon Cuneta (Snacku Green) at Richard Gomez (Lactum Red).

Tatayong team managers sina Ricky Davao, Joey Marquez, Ronnie Ricketts, Rey Malonzo, Jacky Woo at Aga Muhlach. Team coaches sina Tirso Cruz lll, Al Tantay, Bembol Roco, Rez Cortez, Ruel Vernal at Mat Ranillo lll.

Magkakaroon ng texter’s forecast mula sa Touch Mobile tuwing makakatapos ng laro. Magkakaroon ng tsansa ang mga manonood na manalo ng simpack at mga cellphone mula sa Touch Mobile sa telecast at live coverage.

Sa opening day, free admission para sa mga larong track & field, swimming, obstacle course at fun games. May bayad para sa mga ballgames na mabibili sa SM ticketnet sa murang halaga lamang.

Sina German Moreno, pangulo ng KAPPT at Tessie Celestino ng Airtime Marketing ang prime movers ng Star Olympics.

Show comments