Simula na ngayon, June 12, ang showing ng lahat ng mga pelikula sa
Manila Film Festival: Diskarte ng
Maverick Films, na nagtatampok kina
Rudy Fernandez at
Ara Mina; Magkapatid ng
Viva Films, with
Sharon Cuneta, Christopher de Leon, Judy Ann Santos and
Dingdong Dantes; I Think Im In Love ng
Regal Films, nina
Joyce Jimenez at
Piolo Pascual; Super B ni
Rufa Mae Quinto kasama si
Marvin Agustin ng
Neo Films, Mamasan ni
Elizabeth Oropesa ng F
LT Films International at
Utang Ni Tatang ni
Jeffrey Quizon ng
World Arts Cinema. Umaga ng June 8 dumating sa Manila from her work as MTV-VJ sa Singapore, si
Donita Rose. Umuwi siya para mag-guest sa opening ng four stores ng Cheesecake, etc. Kaya after breakfast, una niyang pinuntahan ang store nito sa Glorietta Makati, tumuloy siya sa Robinsons Place sa Manila, at 6:00 p.m., nasa Creekside sa Madison, Greenhills siya. Last niyang pinuntahan ang main store nito sa Podium, Ortigas Center. Kahit maghapon nag-ikot si Donita, beauty pa rin siya at masiglang nakipagbiruan sa host na si
JM Rodriguez sa show to celebrate the first year anniversary ng Cheesecake, etc. sa Podium. Wala siyang takot na tinikman ang iba-ibang klase ng cheesecake na sugar-free and low-fat dahil magwu-work out daw naman siya. Katulong na nag-serve sa napakaraming guests, headed by Mr. Henry Sy, na siyang may-ari ng Podium, ang mga models na sina
Wilma Doesnt, Angel Jacob at
Phoemela Barranda. Sina
Icel Argana at
Gelo Serrano of Infinite Ideas ang in-charge sa said event.
Ngayong 20 years old na si
Baron Geisler, ayaw na niya ng mga pa-cute na roles, mas gusto niyang gumanap ng mga eccentric, character roles, but not bold roles. Ito ang sinabi ng aktor nang mag-celebrate siya ng birthday sa Cork Grill, courtesy of
Richard and
Carol Chuateco ng Harvard Jeans, USA, na isa sa mga endorsers si Baron. Happy siya dahil for the first time may nagbigay daw ng birthday party sa kanya, kahit seven months pa lamang siyang endorser ng Harvard Jeans USA.
Tulad ng wish ng ama niyang si
Rudy Fernandez, hangad din namin na magtuluy-tuloy na nga si
Mark Anthony Fernandez sa kanyang pag-arte dahil isa naman siya talagang mahusay na artista. Siya ang napapanood ngayon sa
Pira-Pirasong Pangarap sa
GMA-7 sa one-month presentation nito for the month of June, katambal niya si
Anne Curtis.
Dito nagsimula iyong balita na nanliligaw si Mark kay Anne, pero ang totoo, hindi naman niya ito itinuloy dahil nalaman niyang boyfriend na pala nito si
Oyo Boy Sotto na madalas nga raw dumadalaw sa taping nila.
Si Mark Anthony ngayon ang bagong papasok na katambal ni
Angelika dela Cruz sa
Ikaw Lang Ang Mamahalin sa
GMA7. Mukhang sinunod ng GMA-7 ang request ng mga televiewers na bigyan naman ng bagong katambal si Angelika, dahil parang tapos na ang story niya with
Sherwin Ordoñez and
James Blanco. Mas malaki ngayon ang pagtatanghal ng
Star Olympics 2002 sa June 15 and 22 na gaganapin sa PSC-Philsports (dating ULTRA) ng KAPPT at FAP, sa pangunguna ni
German Moreno ng KAPPT at Tessie Celestino, producer ng Airtime Marketing Phils.
Six teams na sa halip na four teams lamang ang maglalaro kasama ang kanilang mga Team Godfathers: Ceelin Orange (Jinggoy and Precy Estrada); Samsung Silver (Phillip Salvador); Cleene Blue (Rudy Fernandez & Lorna Tolentino); Surf White (Bong Revilla and Lani Mercado); Snacku Green (Sharon Cuneta) and Lactum Red (Richard Gomez). Si Fernando Poe, Jr. pa rin ang Over-All Godfather ng Star Olympics 2002.