Sa telebisyon, patuloy sa pamamayagpag ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan bilang nangungunang soap opera sa Philippine television. Isang patunay ito na siya na nga ang Reyna ng soap opera. Kahit ang mga nauna niyang soap, ang Mula Sa Puso at Saan Ka Man Naroroon ay pawang number one rin noong panahong nasa ere pa ito.
Sa pelikula, walang duda na ang Got 2 Believe ang masasabing certified blockbuster ngayong taon (making her a strong contender for the Box-Office Queen title). Sa laki ng perang inakyat ng Got 2 Believe sa Star Cinema, mukhang mahihirapan ang ibang aktres sa liga niya na mapantayan ito.
Kasalukuyan niyang ginagawa ang Ginataang Apoy with Aga Muhlach under Star Cinema. Ang direktor niya sa pelikulang Anak na si Rory Quintos ang direktor nito. With this movie, she now joins the league of the film companys major stars like Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano.
Sa July 20 ang birthday ni Claudine. She will turn 23. Ngayon pa lang ay abala na ang mga taga-ABS-CBN at Star Cinema sa preparation para sa isang bonggang birthday special nito sa July 19. Sa orihinal na plano, makakasama ni Claudine dito ang mga big stars ng network na nakatrabaho na niya. Pagsasama-samahin ang pinakamahusay na writers, researchers, segment producers, choreographers para masiguro na magiging birthday special of all birthday special ito. Siyempre pa, ang tatay niyang si Johnny Manahan ang magdidirek nito.
With all the plans ng ABS-CBN at Star Cinema, Claudine is indeed emerging to be its new queen.
Matinong nai-present ni Direk Erick Salud ang kwento ng apat na kabataang babae na sina Shaina Magdayao, Angelene Aguilar, Pia Romero at Bea Alonzo. May mga eksenang naantig kami lalo na yung parte na pinagbigyan ni Bea ang kahilingan ni Angelene na sumali sa beauty contest dahil makakatulong sa kanya ang mapapanalunang premyo. Kahit yung eksena ni Shaina with her dad (Bonggoy Manahan) kung saan pinagbawalan niya itong mag-asawa muli ay nakakaantig ng damdamin.
Mahusay din ang performance ng apat na girls. Parang hindi mga baguhan sina Bea at Pia considering na ito ang unang programa nila. Okey sina Shaina at Angelene.
Nagbigay naman ng kilig ang presence ng mga kabataang aktor na sina Alwyn Uytingco, Adrian Albert at Dennis Trillo. Sila ang masasabi naming pinaka-promising male stars ng ABS-CBN ngayon.
Gustung-gusto namin ang presence ng mga veteran stars na sina Cherrie Pie Picache, Buboy Garovillo, Chat Silayan at Bonggoy Manahan.
Sa magandang simula ng K2BU, tiyak na magsisimula ito ng trend sa Philippine television. Ang bentahe ng show ay ang aral na ini-impart nito sa mga viewers.
Present sa nasabing affair to personally greet Baron ay sina, Paolo Contis, Kaye Abad, Sarah Christophers, Justin Cuyugan, Alfred Vargas, Selina Sevilla, Direk Lauren Dyogi, Director Malou Sevilla at production staff ng Recuerdo de Amor at Tabing-Ilog.
Nagsama-sama rin ang Harvard endorsers ng gabing iyon. Nandoon sina Meg Reyes at si Maricar de Mesa. Gusto mang makarating nina Dennis Trillo, Bea Alonzo, Adrian Albert at Alwyn Uytingco (mga Harvard endorsers din) ay hindi nila nagawa dahil may taping sila ng K2BU.