Malaking banta si Sydney

Hindi na rin maawat ang pagsikat ni Sydney Segovia. Pagkatapos masilayan ang kanyang alindog sa mga pelikulang Hinog sa Pilit, Sobra sa Tamis at Bukang Bibig ay rumaratsada na ang kanyang beauty.

Kasama si Sydney sa bagong pelikula ng El Niño Films na Pagsaluhan kabituin niya sa pelikula si Aya Medel. Sabi-sabi’y tinalbugan niya raw ang Papaya Queen sa pelikula.

"Hindi naman. Ginawa ko ang part ko sa movie at ganoon din siya. Pero kung tatanungin ako kung kaya ko bang gawin ang mga ginagawa niya, kaya ko at kaya ko pang lagpasan.

"May katawan naman ako at hindi retokada ang lahat sa akin. Hindi ako mahihiyang ipakita," pahayag ni Sydney.

Pagkalabas ng pelikula niyang Bukang Bibig, siya na raw ngayon ang bagong magre-reyna-reynahan sa larangan ng paghuhubad.

"Marami pa akong dapat patunayan, dalawang pelikula pa lang ang naipapalabas ko. I hope na dumating yung time na makilala ako at magkapangalan at sana rin hindi lang sa paghuhubad ako makilala, gusto ko ring maging seryosong aktres.

Ang Pagsaluhan ay pangatlong pelikula na ni Sydney. This time, second lead na siya at malapit na siyang i-launch ng El Niño Films. Matindi raw ang mga ipinakita dito ni Sydney. Ang pelikula ay nasa direksyon pa rin ni Cesar Abella. Kasama rin sa pelikula sina Francis Enriquez at Jeffrey Gonzales.

Show comments